1. Home
  2. Lipunan
  3. Mga Krimen at Mga Sala

5 tao, 3 bata natagpuang patay sa timog Manitoba

29-anyos na lalaki nasa kustodiya Linggo ng umaga, ani RCMP

Isang imbestigador sa isinarang daan.

Sinusuri ng mga imbestigador ang pinangyarihan ng krimen sa katimugang bahagi ng Carman, Manitoba.

Litrato: CBC / Jeff Stapleton

RCI

BABALA: Ang istoryang ito naglalaman ng mga detalye kasama ang pagkamatay ng mga bata.

Isang 29-anyos na lalaki ang nasa kustodiya pagkatapos ang limang kato, kasama ang tatlong bata, ay natagpuang patay sa timog Manitoba.

Wala pang kaso na isinampa, sinabi ng Royal Canadian Mounted Police (RCMP) kahapon. Sinabi ng pulisya na ang mga pagkamatay, na suspetsyoso at magkakaugnay, ay naganap sa tatlong lokasyon kanluran at timog-kanluran ng Winnipeg, kasama ang isang tahanan sa Carman.

Hindi ibinigay ng pulisya ang pangalan ng suspek o iba pang detalye, ngunit naniniwala na ang lalaki at mga biktima ay magkakakilala.

Naniniwala ang pulisya na ang mga taong natagpuang patay ay mula sa Carman.

Anila walang banta sa publiko.

It's absolutely horrific. I cannot believe it, sinabi ni Carman Mayor Brent Owen. It's kind of mind-numbing to realize that something like this could happen in this community.

Basahin ang iba pang detalye tungkol sa mga pagkamatay rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita