1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Pagbabago ng Klima

Canada naglabas ng framework para limitahan ang emissions mula sa langis at gas

Ang framework ay naglalayong bawasan ang oil at gas emissions ng 35-38% below 2019 levels

Isang lalaki nakasalamin at nakaharap sa mikropono.

Environment Minister Steven Guilbeaut (archives)

Litrato: afp via getty images / ANDREJ IVANOV

RCI

Inanunsyo ng Liberal na gobyerno ang regulatory framework para limitahan ang emissions sa sektor ng langis at gas ngayong Huwebes, inilahad ang isang national cap-and-trade system na sinasabi nitong ise-set ang emissions limits na hindi pinipigilan ang produksyon.

Ang plano ng Gobyerno ng Canada upang limitahan at bawasan ang emissions mula sa pinakamalaking emitting sector ng Canada ay ambisyoso, ngunit praktikal. Kinokonsidera nito ang pandaigdigang demand para sa langis at gas — at ang importansya ng sektor sa ekonomiya ng Canada — at nagse-set ng limit na istrikto, ngunit achievable, sinabi ni Environment Minister Steven Guilbeault sa isang pahayag.

Ipino-propose ng framework na limitahan ang 2030 emissions sa 35 hanggang 38 porsyento below 2019 levels upang maabot ang layunin ng gobyerno na bawasan ang emissions sa sektor sa net zero pagsapit ng 2050. Ang sektor ng langis at gas ang responsable para sa 28 porsyento ng emissions ng Canada.

Sinabi ng gobyerno na ilalathala nito ang framework ngayon upang bigyan ng oras ang industriya at iba na magbigay ng input sa darating na draft regulations, na sinasabi nitong ilalathala sa kalagitnaan ng 2024.

Ang sub-sectors ng sektor ng langis at gas na maaapektuhan ng framework ay ang liquified natural gas producers, conventional at offshore oil producers, oil sands producers at natural gas processors.

Sa ilalim ng framework, ang mga pasilidad ng langis at gas ay bibigyan ng allowance para sa bawat tonelada ng carbon na kanilang ine-emit, na mas babawasan ang allowances sa paglipas ng panahon.

Para makasunod sa framework, ang mga pasilidad ay kailangan bawasan ang kanilang emissions o bumili ng allowances mula sa ibang pasilidad na binawasan ang kanilang emissions.

Sinabi ng gobyerno na ang cap-and-trade system na plano nitong ipatupad ay magreresulta lamang sa emissions reductions na 20 hanggang 23 porsyento below 2019 emissions levels, habang pinahihintulutan ang industriya na dagdagan ang produksyon ng 12 porsyento above 2019 levels.

Para makuha ang inilahad na layunin na bawasan ang emissions ng 35 hanggang 38 porsyento below 2019 levels, ang sektor ay papayagan na gumamit ng offset credits o magbayad sa decarbonization fund na mamumuhunan sa greenhouse gas emissions reductions sa hinaharap.

Sinabi ng gobyerno na ang framework ay idinisenyong gumana kasama ang iba pang emissions-reduction policies, kabilang ang methane regulations at carbon pricing.

Ibig sabihin ang emissions reduction sa sektor ng langis at gas ay mabibilang sa mga obligasyon sa ilalim ng maraming polisiya ng gobyerno.

Basahin ang buong ulat dito. (bagong window)

Bahagi ng artikulo ni Peter Zimonjic (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita