1. Home
  2. Politika
  3. Katutubo

Wala pa ring AFN national chief matapos ang 6 na balota

Ang ika-7 balota magaganap ngayong Huwebes

Cindy Woodhouse kausap ang mga tao.

Sa ika-apat at ikalimang round, nilibot ni Cindy Woodhouse ang silid sa pagtatangkang i-rally ang mga lider sa kanyang layunin.

Litrato: Radio-Canada / Jérôme Gill-Couture

RCI

Ang botohan para ihalal ang national chief ng Assembly of First Nations (AFN) ay umabot hanggang Huwebes matapos hindi maabot ng dalawang natitirang kandidato ang kinakailangan na 60 porsyento para manalo noong Miyerkules.

Mas marami ang boto ni Cindy Woodhouse kaysa sa kanyang kalaban na si David Pratt, pero tumanggi itong magpaubaya.

Matatandaan na pinatalsik ang dating Assembly of First Nations national chief na si RoseAnne Archibald dahil sa alegasyon ng maling pagtrato sa kanyang mga tauhan.

Panoorin ang ulat ng CBC News sa bidyo na ito:

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Kaugnay na mga ulat

Isang bidyo ng CBC News na isinalin ang paglalarawan sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita