1. Home
  2. Politika
  3. Mga Paniniwala at Mga Relihiyon

MP ipinakilala ang bill para ideklara ang Disyembre na ’Christian Heritage Month’

Bill C-369, ang Christian Heritage Month Act, marahil ay hindi pagdedebatihan o pagbobotohan

Makikita ang Christmas lights na nakasabit sa puno habang nasa background ang Parliament Hill.

Isang Conservative Member of Parliament ang nagpakilala sa panukalang batas para ideklara ang Disyembre na Christian heritage month.

Litrato: La Presse canadienne / Justin Tang

RCI

Isang Conservative na miyembro ng Parlamento ang magpapakilala ng isang private member's bill na idedeklara ang Disyembre bilang "Christian Heritage Month."

Si Marilyn Gladu, ang MP para sa Ontario riding ng Sarnia–Lambton, ay ipinakilala ang Bill C-369, ang Christian Heritage Month Act, sa House of Commons noong Martes.

Dumating ang bill habang ang mga Conservative ay nagsagawa ng isang petition campaign laban sa isang papel ng Canadian Human Rights Commission (CHRC) na inilalarawan ang statutory holidays na minamarkahan ang mga relihiyosong petsa ng Kristiyanismo bilang diskriminasyon.

Ang Canada ay isang bansa na ipinagdiriwang ang lahat ng pananampalataya, sinabi ni Gladu sa House. Patas lang at tama na magkaroon tayo ng isang Christian heritage month dahil may [19.3] milyon na Kristiyano sa Canada, ayon sa huling census. At may mas maganda pa bang buwan na dapat piliin kundi Disyembre?

Binigyang-diin ni Gladu na ang mga miyembro ng ibang pananampalataya sa Canada, kasama ang mga Hindu, Sikh, Muslim at Jew, ay may sariling heritage months.

Ginamit ni Gladu ang kanyang spot sa Commons lottery sa private member's bills para sa pensions protection bill.

Ibig sabihin ang C-369 ay malamang hindi matatawag para sa debate o para sa botohan.

Basahin ang ibang detalye, kasama ang alitan sa House of Commons tungkol sa Pasko, dito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita