1. Home
  2. Kalusugan
  3. Pagbabakuna

Health Canada inaprubahan ang updated na bakuna ng Novavax laban sa COVID-19

Ang bakuna tina-target ang XBB.1.5 variant na umiikot sa buong mundo ngayong taon

Mga vial ng Novavax vaccine.

Bakuna ng Novavax gumagamit ng tradisyonal na approach sa pagtanggol sa katawan laban sa COVID-19, tulad ng flu at hepatitis shots.

Litrato: Reuters / Frank Simon

RCI

Binigyan ng awtorisasyon ng Health Canada ang updated na bakuna mula sa Novavax para maiwasan ang COVID-19 ng mga tao edad 12 pataas.

Ang produkto ng Novavax — ang Nuvaxovid XBB.1.5 Omicron subvariant COVID-19 vaccine — ay gumagamit ng mas tradisyonal na approach para depensahan ang katawan laban sa matinding impeksyon, pagkakaospital at pagkamatay.

Ito rin ay awtorisado bilang isang booster para sa mga taong edad 18 pataas, ayon sa webpage ng Health Canada.

Ayon sa Novavax inaasahan nitong magkakaroon ng available doses sa buong bansa.

Ang unang bakuna ng Novavax para makapagprotekta laban sa COVID-19, na kilala bilang Nuvaxovid, ay binigyan ng awtorisasyon na gamitin ng Canadians edad 18 pataas ng Health Canada noong Pebrero 2022.

Ang mRNA vaccines ng Pfizer-BioNTech at Moderna ay in-update din para targetin ang XBB.1.5 at inaprubahan para gamitin sa Canada, kasama ang mga bata edad 12 pababa.

PANOORIN | Mga ospital naghahanda para sa tumataas na flu at RSV levels:

Sinasanay ng mga bakuna ang ating immune system para kilalanin at labanan ang isang viral intruder.

Ang bakuna ng Novavax nagdedeliber ng lab-grown copies ng spike protein na ginagamit ng coronavirus para kumapit sa mga cell at maging sanhi ng impeksyon. Ang ilang bakuna laban sa flu at hepatitis B gumagamit din ng parehong approach.

Ang mRNA vaccines ay may genetic instructions para gumawa ang katawan ng isang piraso ng spike protein para makilala ito ng ating immune system bilang dayuhan at matutunan itong puksain.

Sa pangkalahatan, iminungkahi ng advisory committee ng Canada na maghintay ng anim na buwan matapos ang huli mong bakuna o impeksyon bago magpaturok ng pinaka-latest na COVID vaccine.

Ang anunsyo ay dumating habang iniulat ng pederal na gobyerno na humigit-kumulang 4,600 hospital beds sa buong bansa ang napuno ng mga pasyenteng may COVID-19, na katulad ng lebel na naranasan noong Enero. Ang bed occupancy ay nag-peak sa mahigit 10,000 noong Enero 2022.

Ang taunang influenza season ay opisyal na nagsimula sa buong Canada na ang lebel ng flu at respiratory syncytial virus (RSV) ay tumataas sa panahon na ito ng taon.

Hindi pa huli para magpabakuna ka laban sa flu, ayon sa provincial health officials na hinihikayat ang mga tao na protektahan ang kanilang sarili mula sa matinding respiratory viruses na maaaring mag-peak sa holiday season.

Isang tsart.Palakihin ang larawan (bagong window)

Ang daily hospital beds na inookupahan ng mga pasyente na may COVID-19.

Litrato: CBC News

Isang artikulo ni Amina Zafar (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita