1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Economic Indicators

Gaya ng inaasahan, Bank of Canada pinanatili ang interest rate sa 5%

Mga ekonomista iniisip na ang rate cuts ay magsisimula sa 2024

Tiff Macklem sa isang press conference.

Bank of Canada Governor Tiff Macklem (archives)

Litrato: La Presse canadienne / Justin Tang

RCI

Nagdesisyon ang Bank of Canada na panatilihin ang kanilang benchmark interest rate sa limang porsyento.

Ang aksyon na ito ay inaasahan ng marami, matapos itaas ang trendsetting rate ng 10 beses mula noong unang bahagi ng 2022 para pabagalin ang inflation, ipinapahiwatig kamakailan ng bangko na sa tingin nila ay malapit na magwakas ang hiking cycle.

Ang rate ng bangko naiimpluwensiyahan ang rate na nakukuha ng mga Canadian sa mga bagay tulad ng variable-rate loans at ilang savings account.

Itinaas ng bangko ang rate sa kasalukuyang lebel noong Hulyo, pero hindi na ito umakyat mula noon, habang ang ekonomiya ng Canada ay nagpakita ng mga senyales ng paglamig.

Ang pagbagal ng ekonomiya ay binabawasan ang inflationary pressures sa isang lumalawak na range ng presyo ng mga goods at services, sinabi ng bangko sa pag-anunsyo ng kanilang desisyon.

Ang mga ekonomista na mino-monitor ang central bank ay iniisip na talagang tapos na ngayon ang hiking, at inaasahan na ang bangko ay magsisimula nang bawasan ang kanilang rate sa 2024.

Isang artikulo ni Pete Evans (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita