1. Home
  2. Lipunan
  3. LGBTQ+ Community

[Ulat] Pakikiisa sa Asian gays na namumuhay with HIV isinusulong ng grupo sa Toronto

Isang positibo pero madamdamin na mensahe ang ipinaabot ni Toronto Mayor Olivia Chow sa grupo

Mga nakaupo na audience habang kinantahan ng isang performer.

Pinasaya ang PinkDot Toronto 2023 ng mga kanta, komedya at pamimigay ng premyo para sa bumili ng tiket sa pa-raffle.

Litrato: RCI/Rodge Cultura

Rodge Cultura

Napuno ng tawanan at kuwentuhan ang masayang fundraising event sa Toronto na layunin ang makalikom ng dagdag na pondo para sa mga proyekto na tumutulong sa Asians na namumuhay na may HIV. Higit sa lahat ay nais isulong sa event na mapalaki ang komunidad na sumusuporta sa Asian gays (LGBTQ2S+) ng lungsod. Ang gabi ng pagtitipon ay naging oportunidad din para ipaalala ang bulnerabilidad ng lahing Asyano na miyembro ng rainbow community.

Ginanap ang PinkDot Toronto sa isang restawran sa Dundas Street noong Huwebes ng gabi. Napuno ang bawat mesa ng mga dumating para makiisa at makisaya sa ginanap na pagtitipon.

Ito ang unang pagkakataon na muling nakadalo sa pagtitipon si Ramon Lara, isang Canadian Filipino at residente ng Toronto, para suportahan ang proyekto ng grupo na sumusuporta sa Asians Living with HIV (ALH). “Nung panahon na [ang] Human Immunodeficiency Virus AIDS ay nasa peak, ang mga Pilipino stigmatized, at hindi lang Pilipino, kapag isa kang Asian. Kapag nalaman nila na may HIV ka, ikinahihiya ka. Hanggang ngayon nangyayari ito sa Pilipinas maging dito sa Canada."

Si Ramon Lara sa event ng PinkDot Toronto.

Nagsimulang sumuporta sa mga inisyatiba ng Asian Community AIDS Services si Ramon Lara noong 2008.

Litrato: RCI/Rodge Cultura

Ayon kay Lara, ramdam niya ang mga pinagdaanan na rasismo laban sa mga Asyano at malala aniya ang hirap na dinanas ng kanyang mga kaibigang Asians Living with HIV. I don't have HIV but I know that [this] affects to a lot of my friends that are. I reach out to them and introduce this organization kasi itong Asian Community AIDS Services para sa Asian people. Alam nila ang kultura at paano ang approach, ani Lara sa event ng PinkDot Toronto.

Kaugnay na ulat

Ang PinkDot Toronto 2023 ay inorganisa ng grupong Asian Community AIDS Services (ACAS) sa suporta ng mga lokal na partners sa lungsod. Ang Asian Community AIDS Services ay nagpapatakbo ng support services para sa Asians Living with HIV.

Kung tatanggalin mo sa equation ang HIV AIDS at titingnan mo ang pagiging Asians lang, kahit ano pa kapag isang Asian - pareho lang din [ang dinanas] ng gay community. Pero sa amin, may LGBTQ2S+ kaya madi-discriminate ka. May diskriminasyon dito ayon sa race, ethnic background, religion at [kung] isa kang gay tapos may HIV. Napakadami pa ang kailangan gawin.
Isang quote mula sa Ramon Lara, residente ng Toronto

Nais mapalawak ng Asian Community Aids Services ang kanilang kampanya sa iba-ibang sektor at mailapit sa komunidad ang proyekto. Ayon kay Trisha Steinberg, Event and Fund Development Coordinator ng Asian Community Aids Services, dumidiskarte ang kanilang grupo para makalikom ng pondo at mapalakas ang loob ng Asians na miyembro ng rainbow community.

Gusto namin na magiging isa siyang community-focused. Naniniwala kami sa kabataan [at] sa community support kaya basically kahit anong bansa [ka pa galing] ang [sino man na] gusto magbahagi [ng talento] nariyan ang entablado kasi kami sa Asian Community AIDS Services binibigyan namin ng safe space ang LGBTQ community, sabi ni Steinberg sa idinaos na event.

Trisha Steinberg sa PinkDot event.

Si Trisha Steinberg ng ACAS ay aktibong nagsusulong sa karapatan at kapakanan ng LGBTQ2S+ community sa Toronto.

Litrato: RCI/Rodge Cultura

Sa taya, umabot sa mahigit tatlong daan ang mga taong dumating at nakiisa sa ginanap na event. Isa rito si Toronto City Mayor Olivia Chow. Kahit dumidilim ang mga panahong ito ay sa mahirap na panahon na ganito kailangan natin ng pag-asa. Kailangan natin ang isa't-isa sa komunidad. Kailangan ng pagdadamayan. At ipinagmamalaki ko ang pagtindig ko kasama ang Asian LGBTQ2S+ community, ani Mayor Chow.

Kinikilala man ng pinakamakapangyarihan na opisyal sa lungsod ang mga nagawa ng Asian Community Aids Services ay inamin niya na marami pa ang kailangang gawin ng kanyang gobyerno.

Ang transphobia sa mga araw na ito ay parang nakalimutan. Hindi lang ito isang diskrimnasyon. Ito ay paurong. Ito ay pagkasuklam at kumikitil ng buhay. At talagang ito ay napakamapanganib kaya marami ang kailangan pang gawin, sabi ni Mayor Chow sa harap ng mga dumalo sa event ng PinkDot Toronto.

Kaugnay na ulat

Isang bagay ang hindi nagbago sa lahat ng mga taon na lumipas ay lalo tayong lumalakas. At hindi nagbago 'yan. Kahit pa minsan pakiramdam natin mag-isa tayo. Meron laging sense of community sa bawat pagkakataon na magkakasama tayo.
Isang quote mula sa Mayor Olivia Chow, Lungsod ng Toronto
Si Toronto City Mayor Olivia Chow nagsasalita hawak ang mikropono sa entablado.

Ipinaabot ni Toronto City Mayor Olivia Chow ang kanyang pagbati at suporta para sa Asian gay community sa ginanap na PinkDot Toronto 2023.

Litrato: screengrab/RCI/Rodge Cutura

Ayon naman kay Steinberg ng Asian Community Aids Services, nakikita niya na nagbunga ang kanilang mga ginagawa para pag-isahin ang komunidad ng LGBTQ2S+.

We are good and still going strong kasi, ang Asian community, tayo ay hindi vocal pero kapag nagkasama tayo -nagtatrabaho tayo nang tahimik, sabi ni Steinberg.

Naitala na hate crimes

Noong Nobyembre 23, iniulat ng Toronto Police Service na mula Enero 1 hanggang Nobyembre 20 ay umabot sa 323 ang nai-report na hate crimes sa Toronto. Mas mataas ito kumpara sa 224 sa parehong mga buwan ng nakaraang taon.

Sa taya, umabot sa 78 hate crimes ang nai-report magmula noong Oktubre 7. Ang bilang ay tumaas ng doble kumpara sa 37 hate crimes sa parehong petsa sa nakaraang taon.

Ayon sa awtoridad, 49% sa kabuuan ng hate crimes na nai-report pagsapit ng Nobyembre 20 ay antisemitic.

Bagaman, karamihan sa nai-report na hate crimes sa Toronto ay antisemitic at anti-Muslim magmula ng sumiklab ang giyera sa pagitan ng Israel at Hamas ay inamin din ni Toronto Police Chief Myron Demkiw sa news conference na nababahala rin sila sa hate crimes na tina-target ang mga sakop ng LGBTQ2S+ community. Siyam na hate crimes ang naitala ng pulisya magmula noong Oktubre 7 kunmpara sa naitala na lima sa nakaraang taon.

Sinabi ng hepe ng Toronto Police Service sa naturang news conference na pinapaigting nila ang pagpapatrolya sa mga komunidad sa buong siyudad para sa kaligtasan ng mga residente.

Rodge Cultura

Mga Ulo ng Balita