1. Home
  2. Politika
  3. Pangprobinsiyang Politika

Welga nakakasakit sa mga bata, ani Legault sa tangka na pabalikin ang mga guro sa klase

Daan-daang libong estudyante ang hindi pumapasok dahil sa nagwewelgang mga titser

Isang lalaki nakaharap sa mga reporter.

Quebec Premier Francois Legault sinabi sa mga reporter na ang poagwewelga ng mga titser ay nakakaapekto sa mga bata.

Litrato: CBC News / Syvlain Roy Roussel

RCI

Hinihikayat ni Premier François Legault ang mga titser na bumalik sa trabaho Biyernes ng umaga, sinabi na ang pagwewelga, dahilan ng hindi pagpasok ng daan-daang libong estudyante, ay nakakasakit sa mga bata.

Kailangan natin ihinto ang welgang ito. Makakasakit ito sa ating mga estudyante na nagdaan na sa pandemya, ani Legault sa mga reporter sa Quebec City. Kailangan natin itigil ito. Pakiusap, hinihiling ko sa lahat ng unyon ng mga titser na itigil ang pagwewelga.

Ang Fédération autonome de l'enseignement (FAE), na kumakatawan sa mga titser sa buong Quebec, ay nasa isang unlimited general strike mula noong Nobyembre 23, sanhi ng hindi pagpasok ng 368,000 na mga estudyante sa eskuwelahan, ayon sa Education Ministry ng Quebec.

Ang common front, isang koalisyon ng mga unyon ng pampublikong sektor kasama ang iba pang titser at education workers, ay nakatakda rin magwelga mula Disyembre 8 hanggang 14, kung hindi sila makikipagkasundo sa gobyerno para sa isang bagong kontrata.

Sinabi ng mga titser na sila ay overworked, underpaid at ang kanilang mga klase ay masyadong malaki, sa gitna ng iba pang mga isyu.

Sinabi ni Legault na hindi sapat ang bilang ng mga titser sa Quebec para paliitin ang class sizes.

Ang pino-propose namin in exchange, ay magdagdag ng pangalawang tao sa klase, isang class aide, pero hindi natin dapat saktan ang mga bata, aniya. Sila ang pinakamahalagang bagay na mayroon tayo.

Nagsimulang magpulong ang mga miyembro ng FAE noong Huwebes para pag-usapan ang nagpapatuloy na mga negosasyon sa gobyerno. Hindi malinaw kung sa meeting na iyon ay pinili nilang wakasan ang pagwewelga.

Sinabi ni Legault na ang gobyerno ay willing na maglagay ng mas maraming pera on the table sa kanilang pakikipag-usap sa mga titser at nurses na nagwewelga rin.

Kapalit nito sinabi niya ulit ngayong Biyernes, na gusto ng gobyerno ng kaunting flexibility sa collective agreements, halimbawa, alukin ang mga manggagawa sa ilang underserved areas ng mas malaking suweldo para maging mas kaakit-akit ang mga naturang posisyon — na hindi na kailangan mag-alok ng equivalent pay raise sa buong network.

Tinawag ito ni Legault na minimum amount of flexibility na kailangan ng gobyerno upang mas pagandahin ang mga serbisyo sa Quebecers.

Ang mga lider ng FAE ay inaasahan na magbibigay ng update ngayong Biyernes.

Isang artikulo ni Matthew Lapierre (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita