1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Trabaho

Canada nagdagdag ng 25,000 na trabaho noong Nobyembre, ayon sa StatsCan

Jobless rate tumaas sa 5.8%

Isang Now Hiring sign sa labas ng bintana.

Ayon sa labour survey na inilabas ng Statistics Canada, nagdagdag ang ekonomiya ng Canada ng 25,000 na trabaho noong Nobyembre.

Litrato: Reuters / Brian Snyder

RCI

Nagdagdag ang ekonomiya ng Canada ng 25,000 na bagong trabaho noong Nobyembre, iniulat ng Statistics Canada ngayong Biyernes.

Bagama’t may kaunting pagtaas sa mga trabaho, ang unemployment rate ay tumaas sa 5.8 porsyento, habang mas maraming tao ang naghahanahap din ng trabaho. Ang unemployment rate ng Canada ay tumaas ng 0.8 percentage points mula Abril, kahit na nagdagdag ang ekonomiya ng trabaho.

Ang job gains noong Nobyembre ay mas malaki ng bahagya kaysa sa inaasahan ng mga ekonomista.

Karamihan ng bagong trabaho ay full-time, habang nagdagdag ang ekonomiya ng halos 60,000 na ganitong posisyon noong nakaraang buwan. Pero ang gain ay bahagyang na-offset ng pagkawala ng higit 34,000 na part-time jobs.

By sector, nagdagdag ang manufacturing ng 28,000 jobs at ang construction nagdagdag ng 16,000. Sa kabilang panig ng ledger, ang wholesale at retail industry ay nawalan ng 27,000 jobs, habang ang finance, insurance, real estate, rental at leasing ay nawalan ng 18,000.

Tinawag ni Royce Mendes, isang ekonomista sa Desjardins, ang pagtaas ng bilang ng mga trabaho na katamtaman, lalo na kung ikokonsidera ang ilan sa underlying factors.

Dahil ang populasyon … na lumaki ng 78,000 at ang labour force na tumaas ng 36,000, ang labour demand ay hindi nakahabol sa labour supply, aniya.

Isang mapa ng Canada na may percentages.Palakihin ang larawan (bagong window)

Ipinapakita sa mapa ang unemployment rate sa bawat probinsya at teritoryo at ang pagbabago sa rate noong Nobyembre.

Litrato: Statistics Canada

Isang artikulo ni Pete Evans, CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita