1. Home
  2. Politika
  3. Media

Pederal na gobyerno naabot ang kasunduan sa Google sa Online News Act

Ang kasunduan ay dumating 3 linggo bago ipatupad ang Online News Act

Logo ng Google.

Naabot na ng Google at gobyerno ng Canada ang isang kasunduan ukol sa Online News Act (archives).

Litrato: Reuters / Andre Kelly

RCI

Ang Google at pederal na gobyerno ng Canada naabot ang kasunduan sa kanilang alitan ukol sa Online News Act, sinabi ng sources sa Radio-Canada at CBC News.

Ayon sa kasunduan ang Canadian na balita ay patuloy na maibabahagi sa mga platform ng Google kapalit ng pagbabayad ng kompanya bawat taon sa news companies na nasa range ng $100 milyon, sinabi ng isang source na may nalalaman tungkol sa mga negosasyon sa CBC News.

Ang pederal na gobyerno at Google ay nagkasundo sa regulatory framework nitong unang bahagi ng linggo, ibinahagi ng isang government source na pamilyar sa mga pag-uusap sa Radio-Canada.

Inestima ng pederal na gobyerno noong unang bahagi ng taon na ang compensation ng Google ay magkakahalaga ng humigit-kumulang $172 milyon. Inestima ng Google ang halaga sa $100 milyon.

Ang unang hakbang na ito kasama ang Google ay importante, ayon sa source, na hiniling na siya ay manatiling anonymous dahil hindi awtorisado na magsalita sa publiko.

Ito ay isa pang solusyon para tiyakin ang viability ng media at ibalik ang balanse sa pagitan ng commercial platforms.

Pinasimpleng mga negosasyon

Kasama ang financial demands, ipinahayag ng Google ang kanilang alalahanin tungkol sa tinatawag ng kanilang tagapagsalita na si Shay Purdy na critical structural issues ng Online News Act, na tinatawag din na Bill C-18.

Sinabi ng kompanya na hindi ito papayag sa isang mandatory negotiation model kapag nakipag-usap sa Canadian media organizations, mas gusto nitong makipag-usap na may single point of contact.

Ang mga bagong regulasyon ay pahihintulutan ang Google na makipagnegosasyon sa isang single group na irerepresenta ang lahat ng media, pahihintulutan ang kompanya na limitahan ang kanilang arbitration risk.

Ang mga tuntunin ay idadagdag sa C-18 legislative framework, na kailangang ilahad pagsapit ng kalagitnaan ng Disyembre.

Ire-require pa rin ang Google na makipagnegosasyon sa media at pumirma sa kasunduan. Ang digital giant ay maaari rin magdagdag ng service contributions, na kailangan pa i-specify.

Nagbabala ang Google na iba-block ang Canadian news content sa kanilang platforms bilang resulta ng lehislasyon. Ngunit hindi tulad ng Meta, na tinapos ang mga pag-uusap sa gobyerno noong huling tag-init at hininto ang pag-distribute ng Canadian news sa Facebook at Instagram, hindi binlock ng Google ang balita sa Canada.

Isang discount deal?

Nahaharap sa banta ng Google na ihinto ang pag-distribute ng Canadian news, tila lumambot ang posisyon ng gobyerno.

Ngunit sinabi ng government source na ang kasunduan ay isang tagumpay at isang net gain para sa Canadian media. Ang framework para sa single negotiation ay marahil magsisilbi bilang isang halimbawa para sa ibang bansa, dagdag pa ng source.

Ang Bill C-18 ay nag-a-apply sa digital platforms na may 20 milyon na unique monthly users at taunang kita na $1 bilyon. Meta at Google lamang ang nakaabot sa mga criteria na iyon.

Ang pakikipag-usap ng Meta sa gobyerno ay hindi pa rin nagpapatuloy.

Isang artikulo nina  (bagong window)Daniel Thibeault (bagong window) at David Cochrane (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita