1. Home
  2. Teknolohiya
  3. Internet

Liberal inanunsyo ang batas na magbibigay-daan sa digital services tax

Ang ways and means motion ng gobyerno nakatakda rin baguhin ang competition laws

Logo ng Facebook, Netflix, Google at Amazon sa mga screen ng smartphones at iPad.

Finance Minister Chrystia Freeland sinabi na sumang-ayon siya na i-delay ang pagpapatupad ng digital services tax para bigyan ng panahon ang international treaty sa pagitan ng mga miyembro ng OECD upang ayusin kung paano isa-structure ang buwis, pero siya ay handa pa rin na ituloy ito.

Litrato: Bloomberg / Jason Alden

RCI

Inanunsyo ng Liberal na gobyerno ang batas noong Martes na magbibigay-daan para sa implementasyon ng isang digital services tax, ngunit hindi binanggit ang petsa kung kailan ipatutupad ang buwis.

Unang nangako ang gobyerno noong 2020 na gagawa ng digital services tax (DST) para sa mga malalaking tech companies.

Ang buwis ay mag-a-apply sa mga kinikita ng malalaking kompanya na nag-aalok ng digital services tulad ng e-commerce, social media at online advertising.

Sinabihan ang mga negosyo noong panahon na iyon na ang Canada ay hindi magpapatupad ng DST bago ang Enero 1, 2024, bagama’t kapag ipinataw na ang buwis maaapektuhan nito ang mga kita mula Enero 1, 2022, ayon sa Finance Canada.

Sinabi ng Liberal na gobyerno na sumang-ayon ito na i-delay ang pagpapatupad ng DST para bigyan ng panahon ang pagbuo ng isang international treaty sa pagitan ng mga miyembro ng Organization for Economic Co-operation and Development at ayusin kung paano isa-structure ang naturang buwis.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita