1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Polusyon

Canada iaapela ang desisyon ng korte na baliktarin ang paglista sa plastic bilang toxic

Ang paglista sa plastic items bilang toxic ay pinahintulutan ang gobyerno na i-ban ang single-use items

Mga walang laman na bote ng tubig sa buhangin.

Ang pederal na gobyerno ay maaari lamang i-regulate ang substances para sa environmental protection kung ito ay nakalista bilang toxic sa ilalim ng Canadian Environmental Protection Act.

Litrato: Getty Images / Carl Court

RCI

Ang pederal na gobyerno ng Canada ay nagpaplano na iapela ang desisyon ng korte na dumurog sa order-in-council na naglista sa manufactured plastic items bilang toxic.

Noong nakaraang linggo, nagdesisyon ang isang Federal Court judge na ang pagkilos ng gobyerno na ilista ang lahat ng plastic items bilang toxic ay hindi makatwiran at labag sa konstitusyon.

Inanunsyo nina Environment Minister Steven Guilbeault at Justice Minister Arif Virani na intensyon ng gobyerno na umapela sa isang magkasamang pahayag ngayong Lunes.

Intensyon ng aming gobyerno na iapela ang desisyon ng Federal Court at ine-explore namin ang lahat ng opsyon para ipagpatuloy ang pamumuno sa paglaban sa polusyon sa plastik, ayon sa pahayag.

Ang pagkilos na ilista ang plastic items bilang toxic ay isang mahalagang hakbang para pahintulutan ang Canada na ituloy ang pagbabawal sa ilang single-use plastic items, tulad ng mga straw at shopping bag.

PANOORIN | Federal Court binaliktad ang national single-use plastics ban:

Kaugnay na mga ulat

Isang artikulo ni Darren Major (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita