- Home
- Lipunan
- Imigrasyon
Paano nakuha ng isang Pilipino na imigrante ang ultimate Canadian job
Ito ang pagmamaneho ng isang Zamboni

Ang Pilipino na Canadian citizen na, si Gene De la Cruz.
Litrato: CBC News
Noong unang dumating ang Canadian citizen na si Gene De la Cruz sa Estevan, Saskatchewan matapos lumipat mula sa Pilipinas, nagsumikap siya na makahanap ng bagong trabaho.
Dumating ako sa Canada para sa mas magandang oportunidad dahil naniniwala ako na ang Canada ang land of opportunities at ang mga tao na pumupunta sa bansang ito ay may mas magandang buhay sa hinaharap. Tulad ng ibang imigrante, gusto kong magkaroon ng mas mabuting buhay para suportahan ang aking pamilya, lalo na ang aking ina,
ani De la Cruz. “Ako ay isang tao na nakatuon sa pamilya, ang gusto ko lang ay magkaroon ng magandang buhay ang aking pamilya.”
Sa isang punto, pinasok ni De la Cruz ang apat na trabaho para kumita ng pera na ipapadala sa Pilipinas.
Noong nagpunta ako sa Canada, nagsimula akong magtrabaho sa Boston Pizza bilang cook sa loob ng tatlong taon at sa oras na nakuha ko ang aking permanent residency, nagdesisyon ako na kumuha ng pangalawang trabaho. Hindi ako nakontento sa dalawang trabaho, kaya nauwi ako sa apat na trabaho, pero ang pagkakaroon ng apat na trabaho ay hindi madali at iyon ang panahon na nagdesisyon ako na mag-apply sa Siyudad ng Estevan,
ani De la Cruz.
Dahil sa kanyang pag-a-apply na magtrabaho para sa lungsod ng Estevan natagpuan ni De la Cruz ang quintessential Canadian job — ang pagmamaneho ng isang Zamboni.
Bago ko tinanggap ang posisyon wala akong anumang pormal na training sa pagmamaneho ng isang Zamboni, dahil sa Pilipinas may ice skating rinks lang kami sa loob ng mall.
Hindi ko inaasahan na maha-hire ako ng siyudad bilang custodial staff, pero pagkatapos ng isang taon, nakakuha ako ng arena technician position,
ani De la Cruz. Bago ko tinanggap ang posisyon wala akong anumang pormal na training sa pagmamaneho ng isang Zamboni, dahil sa Pilipinas may ice skating rinks lang kami sa loob ng mall, pero dahil sa aking wastong training natuto ako na mag-drive at i-apply ang best techniques para i-drive ang isang Zamboni na hindi nagdudulot ng anumang pinsala sa yelo.
Bukod sa pinag-aagawang trabaho na pagmamaneho ng Zamboni, ang mga tungkulin ni De la Cruz ay ang pagme-maintain ng yelo at locker rooms at panatilihin ang temperatura ng arena sa sweet spot para sa perpektong skating conditions.

Gene De la Cruz pinapatakbo ang isang Zamboni sa Estevan, Sask.
Litrato: CBC News
Ang pagme-maintain ng arena sa Estevan ay isang seasonal job, at bilang isang empleyado ng siyudad na nagtatrabaho sa maintenance, si De la Cruz ay inalok ng ibang trabaho para siya ay makaraos sa mas mainit na mga buwan.
Tuwing tag-init naa-assign kami na magtrabaho sa labas dahil wala masyadong trabaho sa loob ng ice rink, dahil wala ng hockey games sa tag-init,
ani De la Cruz. Ako ay nagtatrabaho bilang isang parks labourer at ang trabaho ko ay tungkol sa maintenance at pagpapaganda ng public recreation at play parks, at bukod doon tumutulong din ako sa pampublikong mga libing bilang sepultorero.
Noong unang araw ko sa sementeryo natakot ako dahil ako lang mag-isa sa pagme-maintain ng public cemetery area na iyon,
ani De la Cruz. Step by step natuto ako at ngayon nae-enjoy ko na ang trabaho ko sa sementeryo. Ang ilan sa mga kaibigan ko tinatawag ako na isang professional gravedigger.
Ang istoryang ito ay hango sa seryeng Becoming Canadian na inilathala noong 2017
Isang artikulo ng Becoming Canadian, CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.