- Home
- Lipunan
- Mga Paniniwala at Mga Relihiyon
Unang Simbang Gabi ng mga Pilipino sa Calgary magaganap sa Disyembre 2
Pasko na mga kababayan!

Nagsimba ang mga Katoliko sa unang araw ng simbang gabi sa St. Joseph Parish Church sa Las Pinas city sa Pilipinas noong Disyembre 16, 2022.
Litrato: AP / Aaron Favila
Ikinagagalak ng Philippine Consulate General (PCG) sa Calgary, Alberta na ianunsyo ang kanilang co-sponsorship ng unang Simbang Gabi ngayong taon na gaganapin sa Disyembre 2, Sabado, sa St. Anthony’s Catholic Church na matatagpuan sa 5340 4th Street SW Calgary, Alberta T2V 0Z5.
Iniimbitahan ng
PCG ang publiko na makibahagi sa selebrasyon ng tradisyong ito ng mga Pilipino tuwing Pasko.Sa Pilipinas, ang Simbang Gabi ay isang tradisyon ng pagmimisa ng madaling araw sa iba’t-ibang Simbahang Katolika sa buong bansa bago ang mag-Pasko.
Ipinagmamalaki ng PCG na maging co-sponsor sa unang Simbang Gabi ng St. Anthony’s Catholic Church para sa mga Katolikong Pilipino sa Calgary,
ani Consul General Zaldy Patron.
Itatampok sa Simbang Gabi sa Disyembre 2 ang tradisyonal na Christmas carols 6:30 ng gabi at susunod ang misa bandang 7:00 p.m. Magsisilbi rin ng light refreshments pagkatapos ng service.
Hinihikayat din ng
PCG ang publiko na dumalo sa mga susunod na selebrasyon ng Simbang Gabi sa ibang parte ng Calgary sa iba’t-ibang petsa ngayong Disyembre 2023.
Ang Simbang Gabi ay isang tradisyon ng mga Pilipino tuwing sasapit ang kapaskuhan.
Litrato: PCG - Calgary
Hango sa press release ng Philippine Consulate General - Calgary na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.