1. Home
  2. Politika
  3. Pederal na Politika

Bilyon-bilyon iaanunsyo para sa pagtatayo ng bahay sa federal fiscal update

Ang economic statement sa Martes ay nakapokus sa pagtatayo ng rental at affordable housing

Chrystia Freeland habang may watawat ng Canada sa kanyang background.

Canadian Finance at Deputy Minister Chrystia Freeland

Litrato: La Presse canadienne / Patrick Doyle

RCI

Kasama sa fiscal update ngayong taglagas, na ipipresenta sa Martes ng federal finance minister, ang bilyong-bilyong dolyares na loans at direktang pagpopondo para sa pagtatayo ng abot-kayang pabahay, sinabi ng isang senior government source sa CBC News.

Kabilang sa mga bagong hakbang ang $15 bilyon para sa 10 taon na loans para sa bagong rental housing construction, $1 bilyon na pondo na ilalaan para sa pagpapatayo ng mas abot-kayang pabahay, at bagong tuntunin sa mortgage para sa mga lender na ang kliyente ay homeowners na at risk, ayon sa source, na hindi awtorisadong magsalita sa publiko tungkol sa fall economic statement bago ito ipahayag.

Ang mga hakbang na ito ay parte ng isang restrained fiscal update na nakapokus sa pagpapagaan sa krisis sa housing at pagtugon sa mga hamon ng cost of living habang sinusubukan pa rin na paunlarin ang ekonomiya at lumikha ng mga trabaho, ayon sa source.

Ang Canada Mortgage and Housing Corporation (CMHC) ang mamamahala sa pagpapautang sa mga builder at ang loans ay magkakaroon ng favourable terms, ayon sa source, na hindi pag-uusapan ang rate na itsa-charge.

Ang pera, na tinataya ng gobyerno na tutulong sa pagpapatayo ng 30,000 na bagong bahay sa buong Canada, ay para sa rental construction projects na may lima o mas marami pang unit.

Ang pondo ay bibigyan ang builders ng a lot of certainty sa kurso ng riskiest phases ng isang housing project, sinabi ng source. Makakatulong ito na tiyakin na ang pagtatayo at construction ay magaganap, na kailangan natin.

Ang bagong mortgage rules ay tungkol sa pag-codify ng expectations ng gobyerno tungkol sa mortgage relief para sa homeowners na at risk, at paano sila tinatrato ng kanilang pinansyal na institusyon, ayon sa source.

Ang mga tuntunin ay magiging parte ng isang six-point charter na galing sa existing guidelines ng Financial Consumer Agency of Canada kasama ang pagpapahintulot sa extensions ng amortization periods at ang pag-waive ng fees kaugnay ng delayed payments. Kabilang sa charter ang bagong requirement na ang mortgage lenders ay proactively na kokontakin ang homeowners apat hanggang anim na buwan bago sila nakatakdang mag-renew ng kanilang mortgage para i-assess ang kanilang options, lalo na dahil maraming homeowners ang mahaharap sa mas mataas na interest rates sa oras na mag-renew sa susunod na dalawang taon.

Gayundin, para sa insured mortgages, hindi na magkakaroon ng requirement na ipasa ang isang financial stress test kung gusto nilang lumipat ng lender kapag ang kanilang mortgage ay kailangan na i-renew.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita