1. Home
  2. Pandaigdig
  3. Mga Armadong Labanan

Mabigat na labanan sumiklab sa isa pang ospital sa Gaza

Ilang tao ang naiulat na namatay sa Indonesian Hospital sa northern half ng Gaza

Mga sundalo na naglalakad sa daan na puno ng debris mula sa mga wasak na gusali.

Mga sundalong Israeli nag-operate sa Gaza Strip, sa handout image na ito na inilabas ngayong Lunes ng Israel Defence Forces.

Litrato: Reuters / Israel Defence Forces

RCI

Ang mga tangke ng Israel ay nakaposisyon sa paligid ng isang ospital sa hilagang Gaza kung saan 12 Palestinians ang napatay at dose-dosena ang nasugatan, sinabi ng health ministry ng enclave ngayong Lunes habang nagpapatuloy ang labanan sa gitna ng mga indikasyon ng napipintong paghinto sa labanan.

Hindi agad kinumpirma ng militar ng Israel ang mga ulat mula sa Indonesian Hospital pero sinabi ng Palestinian news agency na WAFA na ang pasilidad ay tinamaan ng artillery fire.

Tulad ng marami pang ibang pasilidad na pangkalusugan sa Gaza, ang Indonesian Hospital, na itinatag noong 2016 mula sa pondo na galing sa mga Indonesian na organisasyon, ay tumigil na ang operasyon.

Ngunit sinabi ng tagapagsalita ng health ministry na si Ashraf Al-Qidra may humigit-kumulang 700 katao, kasama ang medical teams at mga sugatan, sa loob ng pasilidad.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita