1. Home
  2. Teknolohiya
  3. Telekomunikasyon

In-on ng Rogers ang cell service sa lahat ng TTC subway station para sa mga kostumer

Hindi malinaw kung ang Bell, Telus customers ay magkakaroon ng cell service sa lahat ng subway stations

Isang lalaki nakatingin sa phone habang padaan ang tren sa subway.

Mga commuter na ginagamit ang kanilang phones sa Museum Station sa Toronto, noong Agosto 23, 2023.

Litrato: CBC News / Alex Lupul

RCI

Sinabi ng Rogers Communications Inc. na binuksan nito ang wireless service para sa kanilang mga kostumer sa lahat ng subway station sa Toronto, dagdag pa ang mga tunnel sa pagitan ng Sheppard West at Vaughan Metropolitan Centre stations.

Ang aksyon ay dumating habang patuloy na itinataguyod ng kompanya ang 5G infrastructure para sa buong network ng subway tunnels — isang proseso na sinabi nitong magtatagal ng dalawang taon nang ianunsyo ang plano noong Abril.

Noong nakaraang buwan, ang mga kostumer ng kalabang carriers na Bell Canada at Telus Corp. ay nakakuha ng access sa cellular service sa pinaka-busy na bahagi ng Toronto subway system matapos unang in-activate ng Rogers ang upgraded network sa downtown stations at tunnels para sa kanilang sariling mga kostumer.

Ang service para sa lahat ng carriers ay sumunod matapos ang ilang buwan ng matinding back-and-forth negotiations sa pagitan ng Rogers, Bell at Telus, na nagbunsod sa pederal na gobyerno na magtakda ng deadline para sa lahat ng pasahero ng Toronto subway system na magkaroon ng cellular connectivity.

Hindi sinabi ng Rogers sa kanilang anunsyo kung makakaasa ang Bell at Telus customers ng service sa natitirang bahagi ng activated network.

Nahaharap ang mga kompanya sa Disyembre 20 na deadline para makipagnegosasyon ng commercial agreements upang magbigay ng service sa subway sa mahabang panahon.

Kaugnay na mga ulat

Isang artikulo ni Sammy Hudes (bagong window), The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita