- Home
- Pandaigdig
- Mga insidente at natural na kalamidad
Niyanig ng malakas na lindol ang katimugang bahagi ng Pilipinas
Sanhi ng pagbagsak ng kisame sa mga mall

Isang security guard ang naglalakas sa gitna ng bumagsak na kisame sa isang shopping mall sa General Santos City, South Cotabato, sa Pilipinas ngayong Biyernes, Nobyembre 17, 2023.
Litrato: AP / Shaira Ann Sandigan
Isang malakas na lindol sa ilalim ng dagat ang yumanig sa katimugang bahagi ng Pilipinas ngayong Biyernes, sanhi ng pagbagsak ng kisame sa mga shopping mall habang sumigaw ang mga tao. Walang agarang naiulat na nasugatan, at walang babala ng tsunami ang epektibo.
Ang magnitude 6.7 na lindol ay naganap 26 kilometro mula Burias sa katimugang bahagi ng Pilipinas, sinabi ng U.S. Geological Survey. Ang sentro ay nasa lalim na 78 kilometro, dagdag pa nito.
Ang mga bidyo na ipinost sa social media ay ipinakita na bumagsak ang kisame ng dalawang malaking mall habang sumayaw ang mga haligi at ang mga tao ay naghiyawan sa takot. Inanunsyo ng SM City General Santos mall at Robinsons GenSan mall ang pansamantalang pagsasara. Walang naiulat na nasugatan.
Sinabi ng Malacañang na inutusan ni Philippine President Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na tiyakin ang kaligtasan at well-being ng lahat ng naapektuhan ng lindol.
Ang Pilipinas ay nakakaranas ng regular na lindol at pagputok ng bulkan dahil ang lokasyon nito ay nasa Pacific Ring of Fire,
isang arko ng seismic faults sa paligid ng dagat.
Isang artikulo ng The Associated Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.