- Home
- Pandaigdig
- International Politics
Trudeau binati ang presidente ng Tsina, ngunit hindi pa pormal na nag-uusap
Kinompronta ng presidente ng Tsina si Trudeau noong nakaraang taon sa sidelines ng G20 talks

Canadian Prime Minister Justin Trudeau, gitna, binati si Chinese President Xi Jinping, kaliwa, habang pumuwesto para sa isang group photo sa APEC Summit, sa San Francisco noong Huwebes. Si Australian Prime Minister Anthony Albanese ay nasa kanan.
Litrato: Associated Press / Adrian Wyld
Binati ni Prime Minister Justin Trudeau ang presidente ng Tsina na si Xi Jinping noong Huwebes sa isang summit sa San Francisco, ngunit hindi pa nagkaroon ng isang pormal na pagpupulong sa kanya, ayon sa isang senior government source.
Hindi pa nakikipag-usap si Trudeau kay Xi sa sidellines ng Asia-Pacific Economic Co-operation summit habang ang Estados Unidos at Tsina ay nagsusumikap na ibalik ang diplomatikong diyalogo.
Magkatabi sina Trudeau at Xi sa taunang family photo ng summit.
Nakita ang prime minister sa camera na binati si Xi sa pamamagitan ng pagtango.
Nang tanungin ng CBC News kung kailangan hilahin ni Trudeau si Xi para kausapin, sinabi ng Special Envoy to the Indo-Pacific ng Canada na si Ian McKay na magkakaroon ng oportunidad ang mga lider na makapag-usap sa sidelines. Sinabi niya na ito ay magiging isang mabuting bagay
at sila ay maraming dapat pagdiskusyonan.
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
Kaugnay na ulat
- Bakit sinuway ni Xi si Trudeau sa publiko at epekto nito sa relasyon ng Canada at Tsina
- Xi Jinping inakusahan si Trudeau na ni-leak ang diskusyon nila sa media
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.