- Home
- Kalusugan
- Pampublikong Kalusugan
Ontario pinalawak ang listahan ng mga kondisyon na maaaring gamutin ng pharmacists
Pinalawak ng Ontario ang bilang ng mga kondisyon na maaaring bigyan ng prescription ng pharmacists

Health Minister Sylvia Jones ng Ontario
Litrato: CBC / Mehrdad Nazarahari
Sa isang news conference noong Linggo, sinabi ni Health Minister Sylvia Jones na dinagdagan ng probinsya ng anim pang pangkaraniwang sakit ang listahan ng mga kondisyon na maaaring i-diagnose ng pharmacists at gamutin, epektibo kaagad, na dinala ang kabuuang bilang sa 19.
Ang pag-prescribe ng pharmacists ay isang malaking tagumpay sa ating probinsya. Wala pang isang taon, ang Ontario ay naging isa sa nangungunang hurisdiksyon sa buong Canada na nagbibigay ng health care services sa pamamagitan ng mga parmasya,
ani Jones sa isang news conference.
Binigyan ng probinsya ang pharmacists ng prescribing power para sa 13 na pangkaraniwang karamdaman sa simula ng taon, at sinabi ni Jones na 89% ng pharmacists ang lumalahok sa programa ngayon.
PANOORIN | Ontario pharmacists maaari na gamutin ang 19 common ailments:
Aniya nagkaroon ng 400,000 assessments sa buong Ontario mula nang umpisahan ang inisyatiba.
Unang inanunsyo ng gobyerno ang plano na palawakin ang prescribing powers ng pharmacists sa March budget nito.
Idinagdag nito ang acne, canker sores at yeast infections sa listahan, kasama ang nausea at pagsusuka kaugnay ng pagbubuntis, diaper rash at parasitic worms tulad ng pinworms at threadworms.
Noong una, ang pharmacists ay binigyan ng kapangyarihan na mag-prescribe para sa mga karamdaman tulad ng hay fever, oral thrush, pink eye, dermatitis, hemorrhoids at urinary tract infections.
Ang prescribing program ay isang haligi ng plano ng probinsya na bawasan ang malaking health-care backlog. Sinabi ni Jones na nagkaroon ng progreso sa parte na iyon, ang surgical waitlists at average time na ginugugol sa emergency room ay parehong bumaba.
Humingi rin ng feedback ang Ministry of Health tungkol isang plano na pahintulutan ang pharmacists na mag-prescribe ng flu medication, magturok ng flu shots sa mga sanggol at magturok ng RSV vaccines, kapag available, bago ang inaasahan na fall viral surge.
Mas kontrobersyal, ipinasa ng Progressive Conservative government ang isang health reform bill noong Mayo na papayagan ang mga pribadong klinika na magbigay ng ilang publicly funded surgeries at procedures.
Narito ang lahat ng karamdaman na maaari gamutin ng isang pharmacist:
Acne.
Allergic rhinitis.
Candidal stomatitis (oral thrush).
Canker Sores.
Conjunctivitis (bacterial, allergic at viral).
Dermatitis (atopic, eczema, allergic at contact).
Diaper rash.
Dysmenorrhea.
Gastroesophageal reflux disease.
Hemorrhoids.
Herpes labialis (cold sores).
Impetigo.
Insect bites and urticaria (hives).
Tick bites, post-exposure prophylaxis para maiwasan ang Lyme disease.
Musculoskeletal sprains at strains.
Nausea at pagsusuka kaugnay ng pagbubuntis.
Parasitic worms (pinworms at threadworms).
Urinary tract infections.
Yeast infections.
Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.
May kasamang files mula sa CBC News