1. Home
  2. Lipunan
  3. Edukasyon

Filipina Canadian isa sa mga nakatanggap ng BIEN sa Alberta

Isa siya sa 76 recipients ng Bursary for Internationally Educated Nurses o BIEN

Nagkamay ang isang babae at lalaki.

Maria Medina Reyes, kaliwa, at si Consul General Zaldy Patron ng Konsulado ng Pilipinas sa Calgary.

Litrato: Philippine Consulate General Calgary

RCI

Si Maria Medina Reyes ay isa sa 76 na tumanggap (mula Hunyo 2023) ng isang financial grant sa ilalim ng Bursary for Internationally Educated Nurses sa Alberta.

Si Reyes, isang registered nurse sa Pilipinas, ay isang internationally educated nurse o IEN na kumukuha ng nursing bridging program sa Bow Valley College sa Calgary para maging lisensyadong practical nurse.

Nakatanggap siya ng $19,000 na financial grant sa ilalim ng $7.8 milyon BIEN, na isinasagawa ng Gobyerno ng Alberta upang tuparin ang Philippines-Alberta memorandum of understanding on the Recruitment of Filipino Nurses na nilagdaan noong Oktubre 6, 2022.

Ang Philippine Consulate General, kasama ang Philippine Department of Migrant Workers at Migrant Workers Office sa Vancouver, B.C., ang nagsulong at nakipagnegosasyon para sa memorandum of understanding.

Ang mga Pilipinong internationally educated nurse sa Alberta na interesadong mag-apply para sa financial grant sa ilalim ng Bursary for Internationally Educated Nurses ay maaaring bisitahin ang website na ito (bagong window).

Ang mga nangangailangan ng tulong o gabay sa pag-a-apply ng Bursary for Internationally Educated Nurses at sa nursing bridging program ay maaaring kontakin ang Nurse Navigators of the Alberta Association of Nurses (AAN). Paki email ang Alberta Association of Nurses sa IEN@albertanursing.ca (bagong window).

Ang Nurse Navigator Program ay isa pang probisyon ng Philippines-Alberta memorandum of understanding.

Kaugnay na mga ulat

Hango sa news release ng Philippine Consulate General - Calgary na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita