- Home
- Kalusugan
- Pampublikong Kalusugan
At-home screening para sa HPV oportunidad para ‘tanggalin ang kanser’
Ang HPV self-swabs ay ligtas at isang accurate na screening

Isang swab mula sa HPV self-testing kit.
Litrato: CBC
Dapat alukin ang mga kababaihan ng take-home kits upang makapag-screen para sa cervical cancer, sinabi ng mga doktor sa bagong patnubay na naglalayong bawasan ang diskriminasyon sa pangangalaga ng kalusugan.
Kasalukuyang lumalayo ang mga probinsya mula sa Pap smears, na inirerekomenda at least isang beses kada tatlong taon para sa mga kababaihan edad 30 hanggang 69.
Isang doktor ang kumukuha ng cells sa cervix para makita kung may lesions na sanhi ng human papillomavirus (HPV).
Ang mga abnormalidad ay nagbibigay ng maagang babala ng mga pagbabago na maaaring maging cancerous kung hindi gagamutin.
Sa halip na Pap, isang bagong HPV test ang iro-roll out sa ilang probinsya.
Nade-detect ng test ang high-risk types ng virus.
Ang mga kababaihan edad 25 hanggang 65 ay aalukin kada limang taon, na may kaunting pagkakaiba sa bawat probinsya.
Ang self-swabs para sa HPV — katulad ng at-home rapid tests para sa virus na sanhi ng COVID-19 — ay maaaring palakasin ang early detection, ani Dr. Aisha Lofters, isang siyentipiko at family physician sa Women's College Hospital sa Toronto, at ang co-author ng dokumento na inilathala sa Lunes na issue ng Canadian Medical Association Journal.
PANOORIN | Pap smears naantala:
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.