- Home
- Politika
- Pederal na Politika
Rota humingi ng tawad dahil pinarangalan ang Ukrainian veteran na kabilang sa Nazi unit
Si Yaroslav Hunka ay lumaban para sa 1st Galician division
House of Commons Speaker Anthony Rota
Litrato: La Presse canadienne / Justin Tang
Nagsalita si House of Commons Speaker Anthony Rota sa harap ng Parlamento ngayong Lunes — isang araw matapos humingi ng tawad dahil inimbita ang Ukrainian na beterano na lumaban para sa isang Nazi-aligned unit sa Ottawa para sa talumpati.
Inimbitahan ni Rota si Yaroslav Hunka, isang 98 taong gulang na Ukrainian Canadian na nakatira ngayon sa North Bay, Ont., upang masaksihan ang talumpati ni Ukrainian President Zelenskyy sa Parlamento noong Biyernes.
Nagbigay-pugay si Rota kay Hunka, isang constituent ng kanyang Nipissing—Timiskaming riding, bilang isang bayani na Ukrainian
at isang bayani na Canadian,
na nagbunsod ng isang standing ovation para sa naturang lalaki.
Humingi na ng tawad si Rota, sinabi na siya ang tanging responsable sa paglalagay kay Hunka sa guest list.
Iniulat ng CBC News noong Linggo na si Hunka ay lumaban para sa 1st Galician division, isang sangay ng Waffen-SS sa Nazi Germany, noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig.
Sa artikulo na isang dekada na ang tanda sa Ukrainian-language magazine, inalala ni Hunka ang kanyang oras sa dibisyon.
Isang request para magkomento si Hunka at kanyang mga kaanak ay hindi pinagbigyan. Sinabi ni Hunka dati na ipinaglaban niya ang kalayaan ng Ukraine nang siya ay nagsilbi noong digmaan.
Nagalit ang Jewish groups dahil pinalakpakan ng MPs, mga senador at dignitaryo si Hunka.
PANOORIN | House Speaker humingi ng tawad dahil nagbigay-pugay para sa Ukrainian na lumaban kasama ang Nazi unit:
The fact na ang indibidwal na ito, and by proxy ang organisasyon na miyembro siya, ay binigyan ng isang standing ovation sa House of Commons ay lubhang nakakabahala,
ani Dan Panneton, ang direktor ng Friends of Simon Wiesenthal Centre, sa isang interbyu.
Sa tingin ko ang kanyang asosasyon sa unit na ito ay ginawa siyang Nazi collaborator. Upang maging parte ng unit na ito, nanumpa ka ng katapatan kay Hitler at sangkot ka sa pagpatay sa mga sibilyan. Kaya hindi mahalaga kung sinubukan mo at inangkin na ikaw ay nagtanggol laban sa komunismo, ikaw ay involved pa rin sa Nazi war machine. Ginawa ka nitong kasabwat,
ani Panneton.
Isang artikulo ni John Paul Tasker (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.