- Home
- Sining
- Visual Arts
Instalasyon sa Nuit Blanche isang patikim sa Pilipinas
Ito ang Mailiw exhibit ni Filipinx Canadian artist Ally Gonzalo

Ang Mailiw exhibit ni Filipinx Canadian artist Ally Gonzalo.
Litrato: culturedays.ca
Nakausap ni guest host Nolan Kehler si Ally Gonzalo tungkol sa Mailiw exhibit na naganap bilang parte ng Nuit Blanche sa Winnipeg, at sa espesyal na mensahe nito para sa Filipino community sa Manitoba.
Ayon kay Gonzalo, ang kanyang instalasyon ay isang 3-dimensional na representasyon ng watawat ng Pilipinas sa simbolikong kulay at quantities nito. Tinawag niya itong Mailiw
na isang salita sa Pangasinense na ang ibig sabihin ay homesick. Ito ang kanyang pagbibigay-pugay sa mga Pilipino na nais bumalik sa tinubuang lupa ngunit hindi makauwi dahil sa maraming dahilan na, ayon kay Gonzalo, ay kalimitang ukol sa pananalapi o sa kakulangan nito.
Ang Nuit Blanche ay isang salita sa wikang Pranses na ibig sabihin ay isang gabi na walang tulog. Ang naturang event ay isang gabi ng sining, exploration at kultura na naganap noong Sabado sa paligid ng makasaysayang Exchange District sa Winnipeg, Manitoba.
Kaugnay na mga ulat
- Mga Pilipinong artist sa Winnipeg tampok sa espesyal na exhibition
- Filipina Canadian visual artist Marisa Gallemit nagbigay-pugay sa mga nakatatanda
Isang segment sa The Weekend Morning Show (Manitoba) na isinalin ang paglalarawan sa Tagalog ni Catherine Dona.