1. Home
  2. Lipunan
  3. Imigrasyon

RCMP giniba ang mga pasilidad sa Roxham Road sa Quebec

Ang bilang ng mga tao na tumatawid sa Roxham Road patungong Canada ay bumaba na

Isang pamilya bitbit ang mga maleta habang sinalubong ng mga pulis.

Isang pamilya ng asylum seekers na tumatawid ng border sa Roxham Road mula New York papuntang Canada noong Marso 24, 2023 sa Champlain.

Litrato: La Presse canadienne

RCI

Gigibain ng Royal Canadian Mounted Police (RCMP) ang kanilang mga pasilidad sa Roxham Road sa Quebec, isang unofficial border crossing na nagsilbing daan patungo sa bansa para sa hindi mabilang na asylum seekers.

Noong Marso, inanunsyo nina Canadian Prime Minister Justin Trudeau at U.S. President Joe Biden na isasara nila ang matagal na loophole sa Safe Third Country Agreement. Nakasaad sa kasunduan na dapat mag-apply ang asylum seekers para sa refugee status sa unang bansa sa dalawa na kanilang papasukin. Bago ang Marso, ang kasunduan na ito ay nag-a-apply lamang sa mga opisyal na ports of entry.

Ayon sa mga numero na inilabas ng Royal Canadian Mounted Police ngayong Lunes, hinarang ng mga officer nito ang 113,000 katao sa Roxham Road mula 2017.

Kasunod ng pagbabago sa Safe Third Country Agreement, ang bilang ng mga migrante na tumatawid sa Roxham Road ay nabawasan na at ang aming presensya rito ay hindi na kinakailangan, ani Sgt. Charles Poirier.

Sinabi ni Poirier na ang pagbuwag sa mga pasilidad sa Roxham Road ay nangangahulugan na ang Royal Canadian Mounted Police ay hindi na magkakaroon ng constant presence sa Roxham Road. Sa halip, ito ay aasa sa mga regular na pagpapatrolya at camera surveillance.

Sinabi ng tagapagsalita na ang mga pasilidad sa Roxham Road ay inilaan na magtagal sa loob ng tatlo hanggang limang taon. Ang pagbaba ng foot traffic at ang gastos sa pag-upgrade ng mga pasilidad ay nagkaroon ng malaking papel sa desisyon ng Royal Canadian Mounted Police na gibain ang mga pasilidad.

Sinabi ni Poirier na hindi sila makapagbibigay ng espisipikong price tag para sa patuloy na presensya ng Royal Canadian Mounted Police sa unofficial border crossing, sinabi lamang nila na ito ay nasa milyon-milyon.

Sa ilang pagkakataon, may daan-daang Royal Canadian Mounted Police agents kada linggo na nagtatrabaho rito, aniya. Bumalik na kami sa deployment na meron kami bago ang migrant crisis.

Kaugnay na mga ulat

Isang artikulo ni Antoni Nerestant (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita