- Home
- Sining
- Mga aklat
Filipinx Canadian Louie Leyson sumulat tungkol sa mga OFW sa Canada
Napanalunan ng Filipinx Canadian writer ang 2023 CBC Nonfiction Prize

Ang office space kung saan sinulat ni Louie Leyson ang kanyang winning piece.
Litrato: Louie Leyson
Napanalunan ni Louie Leyson ang 2023 CBC Nonfiction Prize (bagong window) para sa isinulat niya na Glossary for an Aswang (bagong window).
Ang manunulat na taga-British Columbia ay tumanggap ng $6,000 mula sa Canada Council for the Arts (bagong window) at dadalo sa dalawang linggo na writing residency sa Artscape Gibraltar Point (bagong window).
Ang kanyang nanalong gawa ay inilathala sa CBC Books. Maaari mong basahin ang Glossary for an Aswang dito (bagong window).
Si Leyson ay isang University of British Columbia graduate at manunulat na nakatira sa unceded ancestral territory ng Musqueam, Squamish at Tsleil-Waututh Nations. Ang kanyang mga gawa ay nanomina para sa Pushcart Prize at National Magazine Awards. Ang kanyang mga gawa ay makikita sa Catapult, The Malahat Review, Palette Poetry, The Rupture, Nat. Brut at Plenitude.
Ang inspirasyon para sa Glossary for an Aswang ay nagmula sa pananaliksik tungkol sa Filipino overseas workers. Kaunti lang ang mga tao sa Canada na kumikilala sa visible labour ng mga migranteng manggagawang Pilipino sa kanilang paligid,
ani Leyson sa CBC Books.
Nang tanungin si Leyson ng CBC Books tungkol sa inspirasyon sa likod ng Glossary for an Aswang, aniya: Na-inspire ako sa research na ginawa ko tungkol sa Filipino overseas workers.
Ang 2023 CBC Nonfiction Prize (bagong window) jurors ay sina Eternity Martis, David A. Robertson and Merilyn Simonds (bagong window). Pinili ng mga hurado ang nanalo at ang shortlist mula sa longlist ng 38 na manunulat na pinagsama-sama ng isang team ng 12 manunulat mula sa buong Canada.
Ang winning entry ni Leyson ay napili mula sa higit 2,000 entries. Ang fragmented structure ng kanyang gawa ang umapela sa mga naturang hurado.
Ang kanyang pagkapanalo ay isang malaking sorpresa kay Leyson, at validation ng kanyang gawa sa loob ng maraming taon.
Masaya ako, nagulat at nagpapasalamat na napanalunan ang award na ito,
aniya. Parang panaginip. Isang disbelieving joy. Gusto kong yakapin ang aking younger self at sabihin sa kanya na may disbelieving joy sa hinaharap.
Ang apat na ibang finalist ay sina Finnian Burnett ng Princeton, B.C. para sa That Poor Girl (bagong window); Christine Lowther ng Tofino, B.C. para sa Environmental Services (bagong window); Barbara Joan Scott ng Calgary para sa Black Diamond (bagong window); at Kelly S. Thompson ng Barrie, Ont. at kasalukuyang nakabase sa Colorado Springs, Colorado para sa The Edge of Change (bagong window). Ang bawat isa ay tumanggap ng $1,000 mula sa Canada Council for the Arts (bagong window).
Si Maxime Jolivel ang nanalo ng Prix du récit Radio-Canada 2023 (bagong window) para sa Histoire de pêche (bagong window).
Kinikilala ng CBC Literary Prizes (bagong window) ang Canadian na mga manunulat mula pa noong 1979.
Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)
Bahagi ng artikulo ni Daphné Santos-Vieira (bagong window), CBC Books na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.