1. Home
  2. Pandaigdig
  3. Mga Krimen at Mga Sala

Canada hawak ang komunikasyon ng Indian diplomats ukol sa pagpatay kay Nijjar

Hindi itinanggi ng mga opisyal ng India ang existence ng intelligence in private

Mga mukha nina Justin Trudeau at Narendra Modi.

Prime Minister Justin Trudeau, kaliwa, at Indian Prime Minister Narendra Modi.

Litrato: La Presse canadienne / Sean Kilpatrick

RCI

Nakalap ng gobyerno ng Canada ang parehong human at signals intelligence sa imbestigasyon na inabot ng ilang buwan sa pagkamatay ng Sikh na aktibista na pinainit ang relasyon ng bansa sa India, sinabi ng sources sa CBC News.

Kasama sa intelligence na iyon ang komunikasyon na kinasasangkutan mismo ng mga opisyal ng India, kasama ang Indian diplomats na nasa Canada, sinabi ng Canadian government sources.

Ang intelligence ay hindi lamang nagmula sa Canada. Ang ilan ay ibinigay ng hindi pinangalanan na kaalyado sa Five Eyes intelligence alliance. Sa isang diplomatikong krisis na naganap progressively behind the scenes, ang Canadian na mga opisyal ay natungo sa India sa ilang pagkakataon at hiningi ang kooperasyon ng India sa pag-iimbestiga sa pagpatay kay Hardeep Singh Nijjar.

Hardeep Singh Nijjar hawak ang isang banner na nagsasabing 'Sikhs want their independence.'

Si Hardeep Singh Nijjar ay binaril at napatay sa labas ng Sikh temple sa Surrey, B.C., noong Hunyo 18.

Litrato: Sikhs for Justice/Radio-Canada

Ang Sikh na lider ay binaril at napatay sa labas ng Sikh na templo sa Surrey, B.C., noong Hunyo 18 at binalaan umano ng Canadian Security Intelligence Service noon na ang kanyang buhay ay nanganganib.

Sinabi ng Canadian sources, noong piniga behind closed doors, na walang Indian na opisyal ang itinanggi ang pasabog na alegasyon sa kaibuturan ng kasong ito — na mayroong ebidensya na nagpapahiwatig na ang gobyerno ng India ay sangkot sa asasinasyon ng isang Canadian citizen sa Canadian soil.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita