1. Home
  2. Politika
  3. International Politics

Zelenskyy dumating sa Ottawa habang humihingi ng dagdag suporta ang Ukraine

Lumambot ang suporta ng U.S. Republicans sa Ukraine sa nagdaang taon

Volodymyr Zelenskyy kasama ang ilang tao.

Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy

Litrato: Associated Press / Mads Claus Rasmussen/Ritzau Scanpix

RCI

Dumating si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy sa Ottawa noong Huwebes ng gabi — at sinasabi ng mga eksperto na ang political headwinds na kanyang haharapin sa Canada ay magiging less chilly ng kanyang naranasan sa Estados Unidos.

Ito ang kanyang unang pagbisita sa Canada mula nang maganap ang paglusob ng Russia noong nakaraang taon.

Kasama ang kanyang bagong defence minister, si Rustem Umerov, makikipagkita si Zelenskyy sa mga ministro ng pederal na gabinete tungkol sa nagawang progreso ng militar ng Ukraine mula nang ilunsad ang counteroffensive noong Hunyo para itulak palabas ang puwersa ng Russia sa kanilang bansa.

Inaasahan na iaanunsyo ng Canada ang dagdag na military at social assistance sa dalawang araw na pagbisita ni Zelenskyy sa Canada. Magkakaroon din ng pormal na welcoming ceremony sa Parliament Hill ngayong araw.

Nang bumisita siya sa Estados Unidos noong Huwebes, nakatanggap si Zelenskyy ng mas subdued reception kaysa sa isang hero’s welcome na nakuha niya noong nakaraang taon. Walang banda na sumalubong sa kanya sa Pentagon at si U.S. House Speaker Kevin McCarthy — na alam na pagod na ang Republicans sa pagpondo sa war effort ng Ukraine — ay pinili na hindi salubungin ang Ukrainian leader sa harap ng camera.

Nakuha ni Zelenskyy ang generally favourable reviews mula sa U.S. lawmakers ukol sa kanyang pitch para sa dagdag na tulong sa digmaan.

Sa kabila ng mainit na mga salita mula sa mga kongresista at senador, iniwan ni Zelenskyy ang isang moderately divided na Estados Unidos. Siya ay inaasahan na haharap sa mas less skeptical audience sa House of Commons ngayong araw, kung saan siya ay maghahatid ng talumpati sa mga MP at senador.

Ang isa sa mga layunin ni Zelenskyy sa Canada — gaya ng sa Estados Unidos — ay para bigyan ng katiyakan ang mga mambabatas na ang Ukraine ay may progreso sa kanilang counteroffensive sa silangan at katimugang bahagi ng bansa at ang Ukraine ay may estratehiya para manalo, ani Dominique Arel na chair ng Ukrainian studies sa University of Ottawa.

Sina Rosemary Barton at David Cochrane ng CBC ay magkakaroon ng isang special broadcast live mula sa House of Commons foyer simula 12:30 p.m. ET.

Maaari mong mapanood ang special sa CBC News Network at isi-stream ito sa CBCNews.ca (bagong window), CBC Gem (bagong window), sa CBC News App (bagong window) at sa CBC News YouTube channel (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita