1. Home
  2. Lipunan
  3. Imigrasyon

Ang lumalaking komunidad ng mga Pilipino sa Thetford Mines

Ang pag-aaral ng Pranses ang pinakamalaking hamon sa integration ng newcomers

Isang babae ang kumukuha ng selfie sa loob ng isang grocery store kasama ang kanyang pamilya.

Halos 200 na Pilipino ang naninirahan sa rehiyon ng Thetford Mines. Marami ang bumibisita sa tindahan ni Mayline Lafrenière.

Litrato: Radio-Canada / Philippe Grenier

RCI

Lumalaki ang komunidad ng mga Pilipino sa rehiyon ng Thetford. Halos 200 na Pilipino ngayon ang matatagpuan doon. Sa konteksto ng labour shortage, ang kanilang presensya at ang kanilang kontribusyon sa lipunan ay pinahahalagahan. Isang larawan ng komunidad, ang kanilang integration at pinakamalaking hamon: pag-aaral ng wikang Pranses.

Maraming kostumer mula sa Pilipinas si Mayline Lafrenière sa Marché Filipino Asiatique (Filipino Asian Market), na nagbukas noong Mayo sa downtown Thetford Mines. "Dahil lumalaki na ang komunidad, ito na ang tamang panahon para magbukas. Hindi na kailangan ng mga tao na pumunta at kunin ang kanilang mga [Pilipinong] produkto sa Montreal o Quebec," paliwanag niya.

Isang Pilipina na may hawak na bote ng Mang Tomas sa loob ng tindahan.

Si Mayline Lafrenière ang may-ari ng Marché Filipino Asiatique sa Thetford Mines.

Litrato: Radio-Canada / Philippe Grenier

Dumating si Glenn Oredina at ang kanyang pamilya mula sa Sainte-Clotilde-de-Beauce kung saan sila nakabase. "Gusto ko ang rehiyon dahil mababa ang cost of living dito at saka tahimik," sabi ng ama sa wikang Ingles, na halatang nagagalit sa inflation at pagtaas at pagbaba ng ekonomiya. Ang kanyang dalawang anak na babae ay pumapasok sa isang French school. Gusto niyang manatili rito, ngunit alam niya na ang kanyang level ng French ay may problema.

Isang Pilipino na may hawak na paninda.

Si Glenn Oredina at ang kanyang pamilya ay nasisiyahan sa pagpunta sa tindahan. Matatagpuan ito sa Sainte-Clotilde-de-Beauce, 25 minuto mula sa Thetford Mines.

Litrato: Radio-Canada / Philippe Grenier

Ang pag-juggle sa kanyang iskedyul sa trabaho sa gabi at mga kursong Pranses sa araw ay naging napakahirap para kay Oredina. Kailangan magkaroon siya ng abilidad na makipag-usap sa wikang Pranses on a sustained basis kung nais niyang makakuha ng permanent residence, aniya.

Isang weakened community

Nakikita ni Eva Lopez ng aid organization na Community Integration of Immigrants (ICI) ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng komunidad na ito at ng iba pa. "Sa kabila ng interes nito sa integration, ang komunidad na ito ay misinformed. Kahinaan ang hindi nila pagsasalita ng Pranses."

Ayon kay Lopez, dapat mas bigyang halaga, ipaalam at gabayan ng mga employer ang kanilang "masisipag na manggagawang Pilipino." "Lumilikha ito ng malaking hamon para sa kanila. Nakita namin ang mga tao na umaalis dahil wala silang magawa. Naantala ang kanilang journey dahil wala silang lebel ng Pranses na kinakailangan ng gobyerno."

Isang babae na nakasalamin.

Nakita ni Eva Lopez ng Immigrant Community Integration ang mga Pilipino na lumilipat sa ibang probinsya dahil ang quality ng kanilang French ay hindi naabot ang linguistic requirements ng Quebec.

Litrato: Radio-Canada / Philippe Grenier

Sa Métallurgie Castech sa Thetford Mines, ang mga manggagawa ay naka-enroll sa kursong Pranses sa sandaling dumating sila. "Hinihikayat namin silang simulan ang kanilang Frenchization, [bilang dagdag sa] pagsuporta sa kanila na ipaalala sa kanila ang kahalagahan ng wika para sa kanilang buong proseso ng imigrasyon," paliwanag ni Joanie Bellegarde, direktor ng human resources para sa Castech/Plessitech Group.

Mahigit isang-kapat ng 100 empleyado ng Métallurgie Castech ay Pilipino. Ang mahalaga nilang kontribusyon ay patakbuhin ang kompanya upang patuloy itong umunlad sa gitna ng labour shortage. Isa na rito si John Villanueva. Nag-aaral siya ng French, alam niya ang kahalagahan ng pag-master ng wika at gustong niyang manatili sa rehiyon, sa probinsya.

Hiniling na lumuwag ang Quebec

Umaasa ang Métallurgie Castech na makita ang pagrerelaks sa mga requirement sa wikang Pranses na hinihiling ng Quebec para sa mga newcomer na gustong mag-aplay para sa permanent residence.

"Ang mga taong nagtatrabaho sa pabrika, na ginagawa ang kanilang trabaho at nag-aaral nang mahusay, ay hindi kailangang magkaroon ng parehong lebel ng Pranses katulad sa isang doktor na kailangang magsalita at nasa paligid ng [mga pasyente]," ani Joanie Bellegarde.

May hawak na rake ang isang lalaking naka-helmet na nakabukas ang visor.

Ilang taon nang nagtatrabaho si John Villanueva para sa Métallurgie Castech.

Litrato: Radio-Canada / Philippe Grenier

Hindi lang siya ang may ganitong opinyon. Pagbalik sa Marché Filipino Asiatique, sumang-ayon si Glenn Oredina. "Galing kami sa Pilipinas, pumunta dito sa Quebec at gusto naming manatili dito," sabi ni Oredina na inilarawan ang kanyang pag-aaral ng Pranses bilang isang sakripisyo para sa kanyang pamilya.

Pagkain makakatulong sa retention

Pinatuyong isda, karne ng baka, baboy, sarsa at chips mula sa Pilipinas: ang mga pagpipilian at flavour sa Marché Filipino Asiatique ay nakakaakit din sa mga residente ng Thetford, na dumami na mula nang magbukas ang Pilipinong tindahan. "Nagbigay-daan ito sa amin na makatikim ng mga bagong bagay at idagdag ang travel sa aming pang-araw-araw na buhay," ani Audrey Godbout, isang residente ng lungsod na may 26,000 na populasyon.

Mga lalaki na bumibili sa isang babae sa tindahan.

Nagbukas noong Mayo, ang mga kostumer ng Marché Filipino Asiatique ay nagmumula sa buong rehiyon, mula Victoriaville hanggang Beauce.

Litrato: Radio-Canada / Philippe Grenier

Ang integration ay nasa puso ng bukas na kalakalan. Ang layunin ay panatilihin ang mga Pilipino sa rehiyon para kay Mayline Lafrenière. "Minsan nagsasalita ng French ang mga Pilipino sa akin. Wala kaming choice kundi pag-aralan ito para sa communication at integration." Confident sa hinaharap, iniisip na niyang palawakin ang kanyang merkado.

Isang artikulo ni Philippe Grenier (bagong window), Radio-Canada na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita