1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Car Industry

Japan magkakaroon ng kasunduan sa Canada ukol sa EV supply chains

Ang ministro ng ekonomiya, kalakalan at industriya ng Japan ay nasa Ottawa sa Huwebes

Closeup ni Yasutoshi Nishimura.

Economy, Trade and Industry Minister Yasutoshi Nishimura ng Japan

Litrato: (Eugene Hoshiko/The Associated Press)

RCI

Habang mataas ang pulitikal na tensyon sa pagitan ng Canada at India, ang gobyerno ni Trudeau ay naghahandang magkaroon ng progreso sa isang pangunaning ally sa Indo-Pacific strategy nito — Japan.

Ang ministro ng ekonomiya, kalakal at industriya ng Japan ay magtutungo sa Ottawa sa Huwebes para lagdaan ang isang memorandum of cooperation ukol sa electric vehicle supply chains.

Si Yasutoshi Nishimura ay sasamahan ng isang delegasyon ng Japanese businesspeople na kumakatawan sa kanilang battery supply association (BASC) at mga korporasyon tulad ng Panasonic Energy, Asahi-Kasei, Mitsubishi, Mitsui at Sumitomo.

Ang mga ulat ng Japanese media na pini-preview ang pagbisita sa nakalipas na linggo ay ipinahiwatig na kapalit ng pinansyal, siyentipiko at teknikal na tulong, intensyon ng gobyerno ng Canada na mag-alok ng subsidies para sa bagong Japanese investments sa sektor na ito — katulad ng iba pang electric vehicle battery deals na ginawa kasama ang mga panlalawigang gobyerno ng Ontario at Quebec.

Habang walang mga kontrata o espisipikong pondo ang ipa-finalize sa pagbisita na ito, ang Japanese business representatives ay inaasahan na pipirmahan ang memoranda of understanding sa mga Canadian na kompanya kung saan balak nilang ibahagi ang kanilang teknolohiya at business intelligence.

Sina Innovation Minister François-Philippe Champagne, Trade Minister Mary Ng at Natural Resources Minister Jonathan Wilkinson ay magkakahiwalay na makikipagkita sa Japanese delegation bago ang seremonya sa umaga, at pagkatapos magdadaos ng isang working lunch.

Mamarkahan ng event sa Huwebes ang unang pagbisita ng Japanese economic minister sa loob ng isang dekada.

Habang si Japanese Prime Minister Fumio Kishida na bumisita sa Canada noong nakaraang taglamig, ay tinawag ang Tsina na isang central challenge para sa Canada at Japan.

PANOORIN | Prime minister ng Japan sinabi na ang Tsina ay isang 'central challenge' para sa Canada at Japan:

Pagkatapos ng pagbisita ni Kishida, isang trade mission ang ipinangako para sa karagdagang kolaborasyon sa pagitan ng Canada at Japan sa electric vehicle sector. Parehong hinahabol at nakikipagkumpetensya ang dalawang bansa sa global dominance ng Tsina sa critical minerals mining at processing and battery manufacturing.

Nais naman i-diversify ng Japan ang kanilang pakikipagkalakalan para mas hindi umasa sa Tsina at Russia at mas sumandal sa demokratikong G7 partners tulad ng Canada.

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Bahagi ng artikulo ni Janyce McGregor (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita