1. Home
  2. Politika
  3. Pangprobinsiyang Politika

Olivia Chow, Doug Ford nagharap sa kanilang unang opisyal na pagkikita

Ontario inanunsyo ang $26.4M na pondo para sa asylum seekers sa Toronto

Magkatabing litrato nina Doug Ford at Olivia Chow.

Ontario Premier Doug Ford, kaliwa, at Toronto Mayor Olivia Chow

Litrato: CBC News

RCI

Naganap ang unang pagpupulong nina Toronto Mayor Olivia Chow at Ontario Premier Doug Ford sa Queen's Park ngayong Lunes mula nang mahalal si Chow noong Hunyo.

Para kay Chow, ang pagkuha ng suporta mula kay Ford ay mahalaga upang iabante ang kanyang vision para sa Toronto. Gayunpaman, noong summer byelection campaign, nilinaw ni Ford na hindi niya gustong manalo si Chow para sa top job ng siyudad.

Kung makakapasok si Chow, ito ay magiging isang ganap na kapahamakan, ani Ford noong panahon na iyon. Aalis ang mga negosyo sa Toronto. Matatakot ang mga negosyante. Kaya naman, ang mga manggagawa ay dapat matakot.

Matapos ang eleksyon, lumambot si Ford. Aniya inaasahan ng mga tao na sila ay magtutulungan at iyon nga ang kanilang gagawin.

‘Hahanap kami ng common ground kapag kami ay nagkita, dahil siya actually ay isang mabuting tao, aniya.

Ani Chow sigurado siyang magkakaroon ng common ground silang dalawang lider.

PANOORIN | Pananaw ni Olivia Chow kung paano siya makikipagtulungan sa premier:

Ontario inanunsyo ang pondo para sa asylum seekers

Bago nagkita sina Chow at Ford, inanunsyo ng probinsya na gagastos ito ng $42 milyon pa upang tulungan ang mga siyudad sa Ontario na ilipat ang asylum claimants sa long-term housing.

Ang Toronto ay makakakuha ng $26.4 milyon mula sa pondo na iyon.

Maraming asylum seekers sa Toronto ang walang matuluyan noong tag-init matapos tanggihan ng punong-puno na shelter system ng siyudad. Sa ilang kaso, sila ay tumira sa mga simbahan sa komunidad.

Ang pera ay dadating sa pamamagitan ng Canada-Ontario Housing Benefit, ayon sa pahayag sa media, na bibigyan ang mga tao ng tulong para makapagbayad ng renta.

Sinabi ng probinsya na ang pondo ay magiging sapat para tulungan ang humigit-kumulang 4,000 na bagong households sa buong Ontario.

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula kina Mike Crawley at Muriel Draaisma

Mga Ulo ng Balita