1. Home
  2. Pandaigdig
  3. Mga Armadong Labanan

Canada nangako ng $33M para bumili ng air defence equipment para sa Ukraine

Ang pera ay mapupunta sa short at medium-range air defence missiles

Isang lalaki na nakasalamin.

Canadian Defence Minister Bill Blair

Litrato: La Presse canadienne / Sean Kilpatrick

RCI

Inanunsyo ni Defence Minister Bill Blair noong Linggo na ang Canada ay bibili ng $33 milyong halaga ng air defence equipment para sa Ukraine, habang ang bansa ay patuloy na nakikipagdigma sa Russia.

Ang kontribusyon ng Canada ay parte ng isang U.K.-led partnership na bibili ng air defence equipment para sa Ukraine, na nasa ilalim ng banta mula sa Russian missile at drone attacks.

Ang layunin ng koalisyon na ito ay bumili ng high priority air defence equipment para sa Ukraine, kasama ang daan-daang short at medium-range air defence missiles [at] associated systems, para magawa ng Ukraine na protektahan ang sarili mula sa pagsalakay ng Russia, ani Blair sa isang anunsyo.

Sinabi ng minister na ang kontribusyon ay parte ng $500 milyong halaga ng military aid para sa Kyiv na inanunsyo ni Prime Minister Justin Trudeau noong Hunyo.

Ang Canada, na tahanan ng pinakamalaking grupo ng Ukrainians sa mundo, ay isang vocal supporter ng Kyiv. Mula nang lusubin ng Russia ang kapitbahay na bansa nito noong Pebrero 2022, nangako ang Canada ng mahigit $8 bilyon na tulong, kasama ang humigit-kumulang $1.8 bilyon na military assistance.

Ang anunsyo ay parte ng unang international trip ni Blair bilang defence minister. Habang nasa United Kingdom, binisita niya ang Lydd Military Training Camp, kung saan ang mga Canadian na sundalo ay nakaistasyon bilang parte ng Operation UNIFIER, ang Ukrainian training mission.

Ang trabaho na kanilang ginagawa ay isang bagay na ipinagmamalaki ng lahat ng Canadians at dapat itong ipagmalaki, dahil, sa totoo lang, sila ay sumasagip ng mga buhay, ani Blair.

PANOORIN | Ukrainian drones lumusob sa loob ng Russia:

Ang Ukraine ay patuloy na nagsasagawa ng malaking counteroffensive laban sa puwersa ng Russia na inookupahan ang parte ng timog at silangan. Ang atake ay nagkaroon ng mabagal na progreso, bagama’t ang mga opsiyal ng Estados Unidos ay nagpahayag ng optimismo na ang significant gains ay malapit na maabot.

Ang dating Ukrainian defence minister na si Andriy Zagorodnyuk, na nagsisilbi pa rin bilang adviser sa Ukraine, ay sinabi sa interbyu sa Rosemary Barton Live na may progreso, bagama’t ito ay mahirap.

Ang dami ng [land]mines ay talagang nakakagulat, aniya sa host ng programa na si Rosemary Barton.

Napakahirap talaga, kaakibat nito ang maraming casualty. Ito ay isang napakahirap na gawain, ngunit ito ay nagtatagumpay.

Bahagi ng artikulo ni Christian Paas-Lang (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita