- Home
- Ekonomiya
- Krisis sa Pagkain
Freeland sinabi na ang layunin ng gobyerno ay ‘patatagin’ ang presyo ng bilihin
Freeland, Champagne makikipagkita sa pinuno ng Loblaw, Sobeys, Metro, Costco at Walmart

Noong nakaraang linggo, inanunsyo ng Canada ang ilang affordability measures (archives).
Litrato: CBC News
Sinabi ni Deputy Prime Minister Chrystia Freeland na ang pagpupulong ngayong araw sa CEOs ng limang pinakamalaking grocery chain sa Canada ay para ‘patatagin’ ang presyo ng mga bilihin.
Gagawin ng ating gobyerno ang lahat sa aming kapangyarihan para tiyakin na magiging matatag ang mga presyo,
aniya habang papunta sa pagpupulong ngayong Lunes. Ang pagpupulong ngayong araw ay parte ng gawain na iyon.
Deputy Prime Minister at Finance Minister Chrystia Freeland
Litrato: La Presse canadienne / PATRICK DOYLE
Karamihan sa mga CEO na dadalo sa pagpupulong ay tumanggi na magkomento noong Lunes ng umaga. Sinabi ni Michael Medline, presidente at CEO ng Empire Company Ltd. at Sobeys Inc., na inaabangan niya ang pagpupulong.
Nagpadala ng imbitasyon si Industry Minister François-Philippe Champagne noong Huwebes ng hapon sa mga pinuno ng Loblaw, Sobeys, Metro, Costco at Walmart at hiniling sa kanila na pumunta sa Ottawa in person para makipagkita sa kanya at kay Freeland.
Dumating ang imbitasyon matapos ianunsyo ni Prime Minister Justin Trudeau ang ilang affordability measures noong nakaraang linggo para tugunan ang tumataas na cost of living at inflation.
Sinabi ni Trudeau na ang grocery chains ay mayroon hanggang Thanksgiving para ibahagi ang kanilang mga plano upang patatagin ang kanilang mga presyo. Kung hindi, aniya, aaksyon ang Canada.
At lilinawin ko,
ani Trudeau noong Huwebes. Kung ang kanilang plano ay hindi magbibigay ng tunay na kaginhawahan … kami ay gagawa ng karagdagang aksyon and we are not ruling anything out, kasama ang mga panukala sa buwis.
Hindi okay na ang ating pinakamalaking grocery stores ay kumikita ng record profits habang ang Canadians ay nahihirapan na maglagay ng pagkain sa mesa.
Mas maraming kompetisyon ang kailangan, ayon sa ulat
Isang parliamentary committee na iniimbestigahan ang mataas na presyo ng pagkain ang nagsabi noong Marso na kung malaman ng Competition Bureau ng Canada na ang grocery store giants ay labis na kumita mula sa food inflation, dapat ikonsidera ng Canada na patawan ang mga kompanya ng isang windfall tax sa labis nilang kita.
Napagtanto ng Competition Bureau noong Hunyo na ang grocery business ng Canada ay walang sapat na kompetisyon at dinodomina ng tatlong domestic giants. Nanawagan ito sa gobyerno na hikayatin ang bagong entrants sa merkado para bumaba ang presyo.
Pagkatapos ng ilang buwan ng pagsusuri sa grocery sector ng Canada, napag-alaman ng bureau na ito ay pangunahing kinokontrol ng tatlong domestic companies – Loblaw, Metro at may-ari ng Sobeys na Empire — kasama ang foreign giants na Walmart at Costco.
PANOORIN | Mga Liberal inanunsyo ang mas maraming hakbang sa housing, grocery prices:
Sinabi ng gobyerno na plano nitong baguhin ang Competition Act para bigyan ang bureau ng mas maraming kapangyarihan para gumawa ng aksyon. Kasama sa pagbabago ng batas ang pagpapahintulot sa bureau na puwersahin ang produksyon ng impormasyon para magsagawa ng epektibo at kumpletong market studies,
ayon sa press release ng gobyerno.
Ayon sa release ang bureau ay bibigyan ng awtoridad para umaksyon laban sa kolaborasyon na pumipigil sa kompetisyon at pagpili ng mamimili, partikular sa mga sitwasyon kung saan ang malalaking grocer ay pinipigilan ang maliliit na competitor mula sa pagtataguyod ng operasyon malapit dito.
Isang artikulo ni Peter Zimonjic (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.