1. Home
  2. Politika
  3. Pederal na Politika

Sa pagbabalik ng Parlamento mga Liberal nakapokus sa housing, krimen

Magbabalik ang Parlamento ngayong Lunes

Parliament Hill sa Ottawa.

Nagbalik na sa trabaho ang Parlamento ng Canada ngayong Lunes (archives).

Litrato: Radio-Canada / Ian Black/CBC

RCI

Matapos bugbugin sa polls buong tag-init, inaasahan ang Liberal MPs na magpopokus sa dalawang area ng pulitikal na kahinaan para sa kanila — housing at pamublikong kaligtasan — kapag nag-resume ang Parlamento ngayong araw matapos ang summer break.

Ang mga Conservative, na mataas sa polls at re-energized pagkatapos ng kanilang policy convention ngayong Setyembre, ay gagamitin ang bawat oportunidad ngayong fall sitting upang sabihin na matapos ang walong taon ng pamumuno, ang mga polisiya ni Prime Minister Justin Trudeau ay nabigo na tugunan ang kakulangan sa bahay o panatilihing ligtas ang mga komunidad.

Magre-resume ang question period ngayong hapon sa unang pagkakataon mula Hunyo, matapos ang isang tag-init ng lumalaking pagkabalisa ng mga botante tungkol sa cost of living at unprecedented wildfires.

Ang pokus talaga namin ay tungkol sa affordability at public safety, ani Government House Leader Karina Gould sa Rosemary Barton Live.

Iyon ang aking magiging pangunahing pokus bilang government House leader … ang tiyakin na iaabante namin ang lehislasyon na tutugon sa totoong mga hamon na hinaharap ng Canadians sa kanilang mga tahanan at kanilang mga budget … gayundin ang tugunan ang ilang public safety challenges na hinarap natin sa nakalipas na taon.

Kasama sa mga isyu na inaasahang magiging dominante sa Parlamento ngayong taglagas ay ang housing, reporma sa piyansa, ang tumataas na presyo ng pagkain, ang mga demand ng New Democratic Party at ang public inquiry sa foreign interference.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita