1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Mga insidente at natural na kalamidad

Bagyong Lee umalis na, pero libo-libo pa rin sa Nova Scotia ang walang kuryente

Ayon sa Nova Scotia Power 277,000 na kostumer ang naapektuhan ng outages sa bagyo

Mga sasakyan tumatawid sa maputik na kalsada.

Naramdaman ang epekto ng Bagyong Lee sa Nova Scotia.

Litrato: Reuters / John Morris

RCI

Ang power crews ay nagtatrabaho upang maibalik ang kuryente para sa libo-libong kostumer sa Maritimes habang ang post-tropical storm Lee ay umalis na ng Canada, iniwan ang mga natumbang puno at nasalantang mga baybayin.

Mahigit 23,000 na kostumer ng Nova Scotia Power ang wala pa rin kuryente as of 10 p.m. AT noong Linggo. Ang Halifax, Truro, New Glasgow at ang kanlurang bahagi ng probinsya, na kabilang ang South Shore, Annapolis Valley, at Digby, Yarmouth at Shelburne County, ang matinding tinamaan ng bagyo, ayon sa pahayag ng utility.

Mahigit 2,000 na kliyente ng N.B. Power ang wala pa ring kuryente. Sinabi ng National Hurricane Center sa Estados Unidos na ang bagyo ay nag-landfall sa Long Island, N.S., bandang alas-kwatro ng hapon noong Sabado, na may maximum sustained winds na 110 km/h.

Walang pangunahing imprastrakrura ang naiulat na nasira, at walang naiulat na mga nawawala, nasaktan o namatay na tao.

Kinuha ng Bagyong Lee ang buhay ng at least isang tao sa Estados Unidos — isang 51-anyos na motorista sa Maine na namatay matapos matumba ang malaking sanga ng puno sa kanyang sasakyan noong Sabado.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita