- Home
- Ekonomiya
- Media
May-ari ng Toronto Star tinanggal ang 600 trabaho sa mga panrehiyong pahayagan
Ang daily papers ay patuloy na tatakbo sa print at online

Inanunsyo ng Nordstar, ang kompanya na may-ari ng Toronto Star at iba pang mga pahayagan, ngayong Biyernes na tatanggalin nito ang mahigit 600 na trabaho sa regional papers.
Litrato: La Presse canadienne / Andrew Lahodynskyj
Inanunsyo ng Nordstar, ang kompanya na may-ari ng Toronto Star at iba pang mga pahayagan, ngayong Biyernes na hihingi ito ng bankruptcy protection para sa unit na nagmamay-ari ng mahigit 70 lokal na pahayagan at tatanggalin ang mahigit 600 na trabaho sa paggulong ng proseso.
Sinabi ng Nordstar na ilalagay nito ang kanilang Metroland Media Group division sa creditor protection sa ilalim ng Bankruptcy and Insolvency Act bilang parte ng isang restructuring plan.
Ang Metroland business ang nagmamay-ari ng dose-dosenang community papers na dinideliber kasama ang advertising flyers. Sinabi ng Nordstar na ganap na itong aalis mula sa flyer business at iko-convert ang mga pahayagan sa isang digital-only format.
Ang pagkilos ay mangangahulugan ng pagkawala ng 605 na trabaho o humigit-kumulang 60% ng kabuuang workforce nito.
Sinabi ng Metroland na ang desisyon ay resulta ng unsustainable financial losses mula sa mapanghamon na preferences ng mga konsyumer at advertisers.
Samantala, ang anim na daily newspapers ng kompanya, kasama ang Hamilton Spectator, Peterborough Examiner, St. Catharines Standard, Niagara Falls Review, Welland Tribune at Waterloo Region Record, ay parehong magpapatuloy sa print at online.
Ang Toronto Star ay hindi parte ng restructuring.
Isang artikulo ng The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.