1. Home
  2. Ekonomiya
  3. Krisis sa Pagkain

Gobyerno kakausapin ang mga CEO ng malaking grocery chains ukol sa presyo ng pagkain

Ang mga CEO ng Loblaw, Sobeys, Metro, Costco at Walmart inimbitahan sa meeting sa Lunes

Trudeau nasa podium.

Prime Minister Justin Trudeau nag-anunsyo ng affordability measures sa pagtatapos ng Liberal caucus retreat sa London, Ont., noong Huwebes.

Litrato: Radio-Canada / Sylvain Lepage

RCI

Sinabi ng pederal na gobyerno ng Canada na inaasahan nito ang limang pinuno ng pinakamalaking grocery chains sa Canada na dumalo sa isang pagpupulong sa Ottawa sa darating na Lunes upang pag-usapan ang mga paraan para ma-stabilize ang presyo ng pagkain.

Sinabi ng opisina ni Industry Minister François-Philippe Champagne sa CBC News na hiniling nito sa mga CEO ng Loblaw, Sobeys, Metro, Costco at Walmart na dumalo in person.

Sinabi ng opisina ni Champagne na nagpadala ito ng imbitasyon Huwebes ng hapon habang inihahatid ni Prime Minister Justin Trudeau ang kanyang affordability announcement sa London, Ont., sa national caucus retreat ng mga Liberal.

Hindi okay na ang ating pinakamalaking grocery stores ay kumikita ng record profits habang ang Canadians ay nahihirapan na maglagay ng pagkain sa mesa, ani Trudeau sa isang press conference noong Huwebes.

PANOORIN | Pederal na gobyerno inanunsyo ang affordability measures:

Buong tag-init, pinukpok ang gobyerno ni Trudeau ng Conservatives sa isyu ng affordability. Ang mga Liberal ay nahaharap ngayon sa worst polling na kanilang nakita mula nang unang umakyat sa kapangyarihan ang gobyerno ni Trudeau noong 2015.

Matapos ang tinatawag ng ilang MP na prangkang diskusyon sa prime minister sa likod ng saradong pintuan sa caucus retreat ng mga Liberal, inanunsyo ni Trudeau at ng kanyang mga ministro ang serye ng affordability measures.

Palaging magandang oras para lumaban, ani Champagne noong Huwebes. Lalaban kami at hahanap ng mga solusyon para tulungan ang Canadians. Ito ang nais nila mula sa amin.

Sinabi ng opisina ni Champagne na hiniling nila na dumalo ang grocery CEOs o company chairpersons — hindi ang mga abogado o ibang kinatawan — na makipagkita sa ministro in person. Sinabi ng opisina na hindi pa sila binabalikan kung sino ang dadalo sa nasabing pagpupulong.

Sinabi ni Trudeau na ang mga grocery chain ay may hanggang Thanksgiving para ibahagi ang kanilang mga plano para i-stabilize ang presyo ng pagkain. Kung hindi, aniya, aaksyon ang Canada.

At lilinawin ko, ani Trudeau. “Kung ang kanilang plano ay hindi magbibigay ng tunay na kaginhawahan … kami ay gagawa ng karagdagang aksyon and we are not ruling anything out, kasama ang mga panukala sa buwis."

PANOORIN | Trudeau binantaan ang mga grocery chain ng tax measure:

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Bahagi ng artikulo ni Ashley Burke (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita