1. Home
  2. Lipunan

2 malaking oso sinundan ang hikers sa loob ng 20 minuto sa Banff National Park

Ang guide ang tanging hiker na may dalang bear spray

Mga hiker na sinusundan ng oso.

Dalawang malaking oso sinundan ang mga hiker sa Consolation Lake Trail malapit sa Moraine Lake sa Banff National Park noong Martes.

Litrato: Jess Rogers

RCI

Dalawang malalaking oso na grizzly ang sinundan ang 13 hikers sa kahabaan ng trail sa Banff National Park sa loob ng 20 minuto — ang isa sa mga oso tumakbo pa ng ilang beses patungo sa grupo.

Sinimulan ng grupo ang kanilang hike sa Morraine Lake malapit sa Lake Louise, isa sa mga sikat na tourist attractions sa parke. Inalerto ng isa sa mga hiker si Phoebe Nicholson, ang guide mula sa Discover Banff Tours, tungkol sa mga osos nang marinig ang kaluskos sa kakahuyan sa likod nila habang naglalakad sa Consolation Lake Trail. Sinabi ni Nicholson na ang mga oso ay napakalaki, ngunit naniniwala siya na ito ay isang ina at ang kanyang nagbibinatang cub.

Kinalaunan, iniwan ng mga oso ang hikers, naglakad paakyat sa bundok sa oras na makarating ang hikers sa Consolation Lake.

Tips para manatiling ligtas: 'stop, talk, walk'

Isang email statement mula sa Parks Canada ang pinaalalahanan ang mga bumibisita sa Banff National Park na palaging sundin ang mga warning o area closures at manatiling naglalakad sa mga opisyal na trail.

Hinikayat ng Parks Canada ang mga tao na sundin itong basic bear safety tips:

  • Palaging panatilihing naa-access ang bear spray at unawain kung paano ito gamitin nang maayos. Ang spray ay maaari ring humadlang sa iba pang malalaking hayop tulad ng cougar o moose.

  • Mag-ingay. "Tumawag, pumalakpak, kumanta o makipag-usap nang malakas lalo na malapit sa mga batis, makakapal na halaman at berry patch, sa mahangin na mga araw, at sa mga lugar na mababa ang visibility," iminungkahi ng Parks Canada.

  • Panatilihing nakatali ang mga aso sa lahat ng oras. Ito ang batas at ang mga asong walang tali ay maaaring makagulo sa wildlife.

  • Maglakbay sa malalaking grupo ng apat o higit pang tao at manatiling magkasama sa trail.

  • Bantayan ang mga palatandaan ng mga oso - mga track, dumi, o disturbances - at umalis sa lugar kung sariwa ang mga palatandaang iyon.

  • Iulat kaagad ang anumang nakitang oso sa visitor centre ng parke o, kung nasa Banff National Park, sa Banff Dispatch sa 403-762-1470.

Panoorin ang ulat ng CBC News sa bidyo na ito:

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Isang bidyo ng CBC News na isinalin ang paglalarawan sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang impormasyon mula kay Lily Dupuis (bagong window)

Mga Ulo ng Balita