1. Home
  2. Pandaigdig
  3. International Politics

Mga barko ng hukbong-dagat ng Canada dumating sa Japan

Tokyo sinimulan ang pinakamalaking military build mula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Mga barko ng hukbong-dagat ng Canada.

Dumating ang mga barko ng Royal Canadian Navy na HMCS Ottawa at Vancouver sa Yokosuka, Japan, noong Agosto 31.

Litrato: CBC News / Lyza Sale

RCI

Ang ikatlong bahagi ng buong Pacific frigate fleet ng Royal Canadian Navy ay dumating na sa Japan. Dalawang sasakyang pandagat lamang ito.

Kontra riyan, ang hukbong-dagat ng Japan ay mas malaki at sinimulan ng kanilang gobyerno ang pinakamalaking paggasta sa militar mula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Kamakailan inanunsyo ng Japan ang $433 bilyon na upgrade plan upang gawin na isang pangunahing puwersang panrehiyon ang armed forces nito, bumibili ng mga missile na may kakayahan na tamaan ang Tsina at mga barko ng Tsina at titiyakin na ang Japan ang magiging pangatlong pinakamalaking gumagastos sa depensa sa mundo (kasunod ng Estados Unidos at Tsina).

Ang 65 porsyento na pagtaas sa paggasta ay mangangahulugan na maaabot ng Japan ang marka ng pag-direct ng dalawang porsyento ng kanilang GDP sa depensa bago sumapit ang 2027.

Ngunit sa likod ng parehong pagkilos — ang pagpapadala ng Canada ng mga barko sa rehiyon at ang investment ng Japan sa militar — ay paglaban sa impluwensiya ng Tsina, na ngayon ay may humigit-kumulang 355 na barko at submarines sa kanilang hukbong-dagat, na ginawa itong pinakamalaki sa mundo sa laki.

Talagang sinisiguro ng Japan na may sapat itong kakayahan na depensahan ang sarili, ani Yuki Tatsumi, direktor ng Japan program sa Stimson Center, isang foreign affairs think-tank sa Washington.

Ito ay tungkol sa pagtitiyak na ang Japan ay may kakayahan na tugunan ang pagbabanta ng Tsina laban sa kanilang outlying islands at territorial waters — gayundin ang posibilidad ng mas malawak na komprontasyon kasangkot ang Taiwan.

Mayroon ding matibay na hamon mula sa rehimen ng North Korea na may nukleyar na armas, na nagpapaputok ng ballistic missiles patungo sa territorial waters ng Japan.

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita