1. Home
  2. Kapaligiran
  3. Lagay ng Panahon

Ano’ng dapat asahan kapag tumama ang Bagyong Lee sa N.S., N.B ngayong weekend

Malakas na ulan, kawalan ng kuryente at storm surge maaaring maranasan

Graphic rendition ng taas ng alon sa Maritimes.

Ang Bagyong Lee ay maaaring magdala ng pagbaha sa baybayin sa Sabado, lalo na sa Atlantic coastline ng Nova Scotia.

Litrato: CBC News / Ryan Snoddon

RCI

Ang Bagyong Lee ay inaasahan na magla-landfall sa Maritimes sa Sabado, gayunpaman ang rehiyon ay makakaranas ng hangin at ulan simula Biyernes ng gabi.

Dahil madahon pa rin ang mga puno, marahil mawawalan ng kuryente dahil sa malawakang bugso ng hangin na 60 hanggang 90 km/h na inaasahan sa buong Maritimes.

Ang mahabang pagtigil ng bagyo ay tataasan ang tsansa ng kawalan ng kuryente sa Sabado at Sabado ng gabi.

Ang mga lugar sa timog-kanlurang Nova Scotia at New Brunswick ay makakaranas ng pinakamalakas na hangin, na may posibilidad ng sustained winds na 60 km/h at may bugso na 90 hanggang 120 km/h o mas mataas pa, lalo na sa exposed coastal areas.

Ang rainfall ay pinakamataas sa tinatahak na landas ng bagyo at sa hilagang-kanluran nito. Ang kabuuan na 50 hanggang 100 millimetres o higit pa ay posible sa timog-kanlurang Nova Scotia at halos buong New Brunswick, ang ulan ay nakatakdang bumuhos sa Sabado at Sabado ng gabi.

Ang makasaysayang basang tag-araw, malakas na ulan noong Huwebes at mataas na water tables sa Maritimes ay itataas ang panganib ng pagbaha habang mas maraming ulan ang bubuhos sa basang-basa na lupa.

Ang Maritime provinces sa Canada ay binubuo ng New Brunswick, Nova Scotia at Prince Edward Island.

Biyernes - Huling minuto na paghahanda

Weather graphics.

Biyernes - huling paghahanda

Litrato: CBC News / Ryan Snoddon

Magiging tahimik na araw ang Biyernes sa buong rehiyon. Banayad ang hangin at magiging magandang araw para sa huling minuto na mga paghahanda.

Biyernes ng gabi — Darating ang ulan at hangin

Weather graphics.

Biyernes ng gabi

Litrato: CBC News / Ryan Snoddon

Ang unang ulan at bugso ng hangin ay nakatakdang dumating magdamag ng Biyernes hanggang sa madaling araw ng Sabado.

Sabado ng umaga — Lalakas ang hangin

Weather graphics.

Sabado ng umaga

Litrato: CBC News / Ryan Snoddon

Habang kumikilos papalapit ang Bagyong Lee sa rehiyon, bibilis ang hangin buong umaga at makakaranas ng pag-ulan, na kung minsan ay lalakas, habang dumadaan ang bagyo sa buong rehiyon.

Sabado ng hapon at kinagabihan — Magla-landfall ang Bagyong Lee

Weather graphics.

Sabado ng hapon at gabi

Litrato: CBC News / Ryan Snoddon

Magla-landfall ang Bagyong Lee sa rehiyon bandang hapon o early evening habang nagpapatuloy ang pagbuhos ng ulan at paghampas ng hangin.

Sabado ng gabi — Hangin mananatiling malakas

Weather graphics.

Sabado ng gabi

Litrato: CBC News / Ryan Snoddon

Ito ay magiging isang matagal na bagyo, kaya asahan na magpapatuloy ang hangin hanggang Sabado ng gabi habang dumadaan ang bagyo sa rehiyon.

Linggo — Bagyong Lee unti-unting aalis

Weather graphics.

Linggo - pag-alis ng Bagyong Lee

Litrato: CBC News / Ryan Snoddon

Manaka-nakang pag-ulan at malakas na hangin magpapatuloy hanggang Linggo ng umaga.

Weather graphics.

Linggo

Litrato: CBC News / Ryan Snoddon

Habang kumikilos ang Bagyong Lee papunta sa Gulf of St. Lawrence Linggo ng hapon, makakakita na tayo ng pagsikat ng araw sa buong Maritimes.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Basahin ang mga istorya sa CBC Lite para makatipid ng data sa iyong smartphone. (bagong window)

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita