- Home
- Politika
- Mga insidente at natural na kalamidad
Quebec nag-alok ng tulong pinansyal sa wildfire evacuees at mga munisipalidad
Kailangan mag-apply ang Indigenous people sa pederal na gobyerno

Bibigyan ng financial assistance program ng $1,500 ang bawat tahanan na naapektuhan ng evacuations dahil sa forest fires.
Litrato: Radio-Canada / Rémi Tremblay
Ang libo-libong tao na na-displace dahil sa wildfires sa Quebec ay magiging entitled sa pinansyal na kompensasyon, inanunsyo ng gobyerno ng Quebec ngayong Biyernes.
Ang mga apektadong tahanan ay makakatanggap ng $1,500 sa pamamagitan ng financial assistance program ng probinsya.
Ibabalik din ng gobyerno ang lahat ng mga gastusin kaugnay ng evacuation na na-incur ng mga munisipalidad at supporting organizations.
Sa kasalukuyan, mahigit 13,000 katao ang umalis sa kanilang mga tahanan matapos ilikas ng kanilang mga komunidad dahil sa mga sunog sa kagubatan na patuloy pa ring nagngangalit sa probinsya mula Mayo 29.
Importante para sa amin na ibigay ang significant amount na $1,500 — regardless kung ilang araw kang in-evacuate,
ani Bonnardel sa isang news conference ngayong Biyernes.
Sinabi niya na ang mga taong na-displace ng mga sunog ay maaari rin gamitin ang kanilang personal insurance policies para makatulong na ikober ang mga gastusin.
Maaaring maging kwalipikado ang mga tao para sa financial aid kung sila ay napuwersa na umalis sa kanilang tinitirhan ng isang mandatory evacuation order o opisyal na rekomendasyon ng isang munisipalidad.
Ibabalik din ng gobyerno ang gastusin ng mga organisasyon tulad ng Canadian Red Cross at ng asosasyon na kumakatawan sa fire chiefs sa Quebec. Halimbawa, ang gobyerno ang magbabayad para sa gastusin ng paglilipat ng mga bumbero sa ibang mga lokasyon sa probinsya.
Sinabi ni Bonnardel na ang mga tao ay maaaring mag-apply online para sa pinansyal na kompensasyon at makukuha ang pondo sa Hunyo 14.
Canada ikokober ang tulong para sa Indigenous people
Ang probinsyal na programa ay hindi mag-a-apply sa humigit-kumulang 2,800 Indigenous people na na-displace ng mga sunog sa kagubatan, sinabi ng ministro na responsable para sa Indigenous relations na si Ian Lafrenière.
Mas komplikado ng kaunti dahil hindi ito ang aming full jurisdiction,
aniya na tinutukoy ang katotohanan na ang First Nations ay direktang nakikipag-ugnayan sa Crown.
Sinabi ni Lafrenière na nakipag-usap siya kay federal Minister of Indigenous Services Patty Hajdu Biyernes ng umaga.
Tiniyak namin na magkakaroon din sila ng katumbas na uri ng tulong,
aniya.
Hindi maiiwanan ang Indigenous people.
Isang artikulo ni Cassandra Yanez-Leyton (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.