1. Home
  2. Politika
  3. LGBTQ+ Community

LGBTQ Canadians nahaharap sa tumataas na muhi, ani Trudeau

Nagbabala si Trudeau sa tumataas na anti-LGBTQ activity sa Pride flag-raising ceremony sa Parliament Hill

Justin Trudeau sa harap ng mikropono at sa background niya lumilipad ang Pride flag.

Prime Minister Justin Trudeau nakibahagi sa Pride flag-raising event sa Parliament Hill ngayong Huwebes, Hunyo 8, 2023.

Litrato: La Presse canadienne / Sean Kilpatrick

RCI

Sa kanyang talumpati sa Pride flag-raising ceremony sa Parliament Hill ngayong Huwebes, sinabi ni Prime Minister Justin Trudeau na ang pagkamuhi o hatred sa mga taong LGBTQ ay tumataas sa Canada.

Ang watawat na kulay bahaghari ay lumilipad na ngayon sa harap ng Parliament Buildings upang markahan ang Pride Month. Sinimulan ng Liberal na gobyerno ang taunang tradisyon noong 2016. Sa kanyang talumpati, nagbabala si Trudeau na ang sitwasyon para sa mga taong LGBTQ ay lalong lumala mula noon.

Nang una nating itinaas ang Pride flag sa Parliament Hill pitong taon na ang nakalipas, sa tingin ko inisip nating lahat na magiging madali na mula noong sandali na iyon, ani Trudeau.

Ang transphobia, biphobia, homophobia, lahat ito ay tumataas. Mahirap na makita ang mga tao at institusyon na patuloy pa ring nire-reject kung sino sila, na sinusubukang ipagkait sa mga miyembro ng ating mga komunidad ang karapatan na makita at marinig at maipagdiwang.

Inanunsyo ng pederal na gobyerno ang $1.7 milyon (bagong window) para sa anim na LGBTQ rights groups kasabay ng seremonya. Inanunsyo ni Women, Gender Equality and Youth Minister Marci Ien ang emergency funding (bagong window) nitong unang bahagi ng linggo para makatulong na ikober ang tumataas na gastos sa seguridad at insurance para sa Pride festivals.

Ang bilang ng hate crimes na iniulat sa pulis kaugnay ng sekswal na oryentasyon ay tumaas ng 64 porsyento noong 2021 kaysa nakaraang taon, ayon sa Statistics Canada (bagong window).

Sinabi ni Trudeau na ang anti-LGBTQ hatred ay kumakalat mula sa Estados Unidos patungong Canada. Binanggit niya ang ilang kontrobersiya kamakailan, kasama ang mga pagtangka na guluhin ang pagdiriwang ng Pride (bagong window) at pagtanggal sa mga libro tungkol sa sexual orientation at identity (bagong window) mula sa silid-aklatan ng mga eskuwelahan, at ang pagtanggi ng ilang paaralan na itaas ang Pride flag (bagong window).

Sa maraming lugar, ang mga bata ang kailangan lumaban para itaas ang Pride flag, at sa ilang lugar ito ay tinanggihan, ani Trudeau.

At sa mga batang iyon nandito ako para sabihin, bagama’t ang Pride flag ay hindi lumilipad sa iyong eskuwelahan, dapat malaman mo na ito ay buong pagmamalaking lumilipad dito sa upuan ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Trudeau na karamihan sa Canadians ay sinusuportahan ang komunidad ng LGBTQ.

Madalas tayong pinapaalalahanan … online man o nagdidiwang ng Pride sa ating araw-araw na pamumuhay, ang hatred ay may malakas pa rin na boses, aniya.

Ngunit sa palagay ko kailangan din tayong paalalahanan na ang malakas na boses na iyon ay hindi kumakatawan sa vast, vast majority ng Canadians.

Isang artikulo ni Richard Raycraft (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita