1. Home
  2. Politika
  3. Mga insidente at natural na kalamidad

Canada tinitingnan ang paglikha ng national disaster response agency

Kino-coordinate ng FEMA ang pagtugon sa mga sakuna sa U.S. sa loob ng maraming dekada

Isang bumbero na may hawak na fire hose sa kagubatan.

Isang bumbero sa Department of Natural Resources ang nilalabanan ang Seven Mile Lake forest fire sa Maitland Bridge, N.S. malapit sa Kejimkujik National Park noong Agosto 11, 2016.

Litrato:  (Darren Calabrese/Canadian Press)

RCI

Pinag-aaralan ng pederal na gobyerno ng Canada ang mga opsyon para lumikha ng isang bagong national disaster response agency.

Ang mga diskusyon ay dumating habang nararanasan ng Canada ang pinakamalalang wildfire season sa kasaysayan at matapos muling tinawagan ng gobyerno ang militar para mag-step in at tumulong.

Sa gitna ng daang-daang wildfire na nasusunog pa rin, dose-dosena sa mga ito ang nasa kanluran at hilagang bahagi ng Quebec, ang usok mula sa wildfire ay binabalutan ang malalaking bahagi ng probinsyang iyon at pati ang silangan at katimugang bahagi ng Ontario. Nag-isyu ang Environment Canada ng special air quality advisories sa parehong probinsya.

Tinanong si Prime Minister Justin Trudeau tungkol sa paglikha ng isang national disaster response agency sa isang news conference noong Martes. Sinabi niya na ang Canada ay kailangan mag-adapt sa lalong lumalala na panahon.

Patuloy kaming nagdidiskusyon at tinitingnan ang mga bagong mekanismo at mga bagong paraan ng paggawa noon, aniya.

Kailangan naming patuloy na tiyakin na ginagawa namin ang lahat ng bagay na posible para panatilihing ligtas ang Canadians kapag tumama ang extreme weather events na ito, at siguraduhin din na ginagawa namin ang lahat ng makakaya para i-predict, protektahan at umakto bago dumating ang mga event na ito.

Nitong unang bahagi ng linggo, sinabi ni Trudeau na ang pokus ng gobyerno ay makaraos sa malubhang fire season na ito. Sinabi niya na ang mga diskusyon ay talagang kailangan maganap ukol sa paano mas magiging handa habang ang climate change ay ginagawang mas karaniwan ang mga fire season na tulad nito.

Isang senior government source ang nagsabi sa The Canadian Press na ang mga diskusyon sa bagong approach ay sinimulan na at kasama rito ang pagsusuri sa merits ng paglikha ng bagong Canadian version ng Federal Emergency Management Agency (FEMA) sa Estados Unidos.

Ang Federal Emergency Management Agency ay nilikha noong 1979 na may dual na responsibilidad na emergency management at civil defence. Pinangungunahan nito ang mga programa ng gobyerno ng Estados Unidos para makapaghanda, maiwasan, rumesponde at makarekober mula sa mga natural na kalamidad, pag-atake ng mga terorista at iba pang malalaking insidente.

Ayon sa ulat ng The Canadian Press, kasama sa mga diskusyon si Trudeau at ang ilang departamento at mga ministro, kabilang sina Emergency Preparedness Minister Bill Blair, Environment Minister Steven Guilbeault at Natural Resources Minister Jonathan Wilkinson.

Ang Canadian version ng Federal Emergency Management Agency ay hindi lang para sa mga sunog ngunit para sa lahat ng sakuna, kasama ang pagbaha at malalaking bagyo tulad ng mga hurricane.

Ang disaster response plans ng Canada ay kasalukuyang kasama ang iba’t ibang lebel ng gobyerno sa isang case-by-case basis. Makailang beses silang humingi ng tulong sa Canadian Armed Forces upang magpadala ng mga sundalo at equipment.

Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)

Bahagi ng artikulo ni Mia Rabson (bagong window), The Canadian Press na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

May kasamang files mula sa CBC News

Mga Ulo ng Balita