- Home
- Ekonomiya
- Negosyo
Reorganisasyon sa pinakamalaking Canadian bookstore, Indigo
1 magre-resign na board member ang binanggit ang ‘mistreatment’ bilang rason ng pag-alis

Isang ransomware attack ang nagpaluhod sa book seller na Indigo nitong unang bahagi ng taon.
Litrato: CBC News / Evan Mitsui
Apat na miyembro ng board of directors ng Indigo ang biglang nag-resign, at inanunsyo ng kompanya na ang chair na si Heather Reisman ay magreretiro ngayong tag-init.
Sinabi ng Indigo Books and Music Inc. na sina Frank Clegg, Howard Grosfield, Anne Marie O'Donovan at Chika Stacy Oriuwa ay hindi na bahagi ng board ng kompanya na binubuo ng 11 katao.
Sa isang pahayag, sinabi ng kompanya na si Oriuwa ay nag-resign dahil nawalan siya ng kumpiyansa sa liderato ng board at dahil sa mistreatment.
Walang rason na ibinigay para sa iba pang umalis. Nais ng Indigo na mapabuti ang mga papaalis na direktor at pinasasalamatan ang bawat isa para sa kanilang mga kontribusyon habang nakaupo sa Board,
sabi ng kompanya.
Ang nagtayo ng kompanya na si Heather Reisman, na pinalitan bilang CEO noong nakaraaang taglagas, ay magreretiro bilang executive chair at bilang direktor sa Agosto.
Ang kompanya ay tinamaan ng cybersecurity incident (bagong window) noong tagsibol na nakaapekto sa abilidad ng kompanya na ibenta ang kanilang mga paninda online sa loob ng ilang araw. Ang ganap na functionality ay hindi naibalik sa loob ng ilang linggo.
Isang artikulo ni Pete Evans (bagong window), CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.