1. Home
  2. Sining
  3. LGBTQ+ Community

Elliot Page umupo para sa isang Canadian-exclusive na interbyu

Nagbigay ng insights si Adrienne Arsenault, ang chief correspondent ng CBC, sa kanyang panayam sa aktor

Nagkamay sina Elliot Page at Adrienne Arsenault.

Page sinabi kay Adrienne Arsenault ng The National na ang pagsasalita sa publiko tungkol sa kanyang pag-transition ay sa ilang pagkakataon 'overwhelming.'

Litrato: CBC News / Evan Mitsui

RCI

Mag-isa lang si Elliot Page at dumating nang maaga noong dumungaw sa pintuan ng loft kung saan inaayos namin ang lugar para sa interbyu.

Hi there … OK lang pumasok?

Palaging magalang, ang Canadian na aktor na nanomina para sa Oscar ay ipinakilala ang kanyang sarili sa amin, sa crew at kaswal na tinanggal ang headphones na nakasabit sa kanyang leeg. Siya ang imahe ng pagiging kalmado at cool at respetado. Nang lumipad ang isang eroplano sa gitna ng interbyu, tumigil siya at tinanong kung kailangan namin magsimula muli. Nang kami ay natapos na, bagama’t mahigpit ang kanyang oras, sinigurado niya na nakuha ng lahat ng tao ang kanilang kailangan. Ito ang maliliit na bagay na hindi talaga maliit na nakakatulong sa iyo upang sukatin ang isang tao sa aming linya ng trabaho.

Ngunit kapansin-pansin din ang paghimas niya sa kanyang hita habang kami ay nag-uusap, paano siya kumikislot sa kanyang upuan at ang kanyang bukas na pag-amin na, marahil, siya ay kinakabahan ng kaunti.

Siya ay nagsulat ng isang pambihirang libro: Pageboy. Ito ay isang perpektong pamagat para sa memoir ng Nova Scotian na tahasang nagkuwento tungkol sa homophobia na kanyang hinarap bilang batang indibidwal, ang karahasan at pang-aabuso na ipinukol sa kanya at ang malaking desisyon, habang nasa COVID isolation, na mag-transition.

Mababasa ang libro na parang nahulog ito mula sa kanya sa isang iglap. At nandoon lahat, bawat masakit na sandali na kanyang tiniis sa loob ng maraming taon: paano kung putulin ko ng maikli ang aking buhok, o magsuot ng mas mahigpit na sports bra, o o o. Ikinuwento niya eksakto kung gaano kahirap niyang sinubukan sa loob ng matagal na panahon na maging OK sa kanyang balat, gumanap ng mga papel na pambabae sa mga pelikula at serye tulad ng Juno, Hard Candy at Inception, ngunit sa kanyang kaibuturan, nauunawaan niya na hindi naman siya talaga babae, bago pa man niya mahanap ang mga salita para mamutawi iyon.

Isang bagay ang magsulat ng isang akda na napaka-intimate. Iba rin ang umupo sa harap ng camera at magsalita tungkol dito.

Dahil lumabas na ang kanyang libro noong Martes, malapit nang makita ni Page ang kanyang sarili sa isang media junket. Ang mga interbyu na iyon ay mabilis at marahil nakakapagod. Pero nang siya ay umupo sa The National, magkakaroon pa lang siya ng on-camera conversation tungkol sa lows at hopefully mas maraming highs sa kanyang buhay ngayon. Kaya, parang dahan-dahan siyang sumulong, sinusubukan na iproseso kung paano sasabihin ang ilang salita nang malakas.

Ang The Umbrella Academy, na katatapos lang, ay isang tunay na highlight, aniya. Gayundin ang paggising sa umaga at ang pagse-stretch at sa wakas ang maramdaman na siya ay ang kanyang sarili.

Pero malinaw na mayroon pa ring lows. Pinag-uusapan natin ang isang tao na ipinukol ang isang malamig na beer sa kanyang ulo sa Queen Street sa Toronto kailan lang. F—king f----t, sigaw nila. What a thing. Nang siya ay iprinisenta bilang babae at miserable, siya ay nagustuhan. Nang sa wakas siya ay masaya na, siya ay tinambakan ng poot.

Para sa bawat istorya na kanyang sinasabi hinahatak ka nito sa sandali kung saan gusto mo siyang protektahan, siya ay mabilis sa pagkakaroon ng critical caveat. Pero, suwerte ako. Nagpapasalamat ako. Ako ay privileged, aniya. Siya ay may profile, may karera, may access sa pangangalaga at isang platform. Kaya, mabilis siyang nakakapagsalita tungkol sa suicide rates sa mga hindi maka-access sa pangangalaga, at ang pagtaas ng hate crimes at ang nagging understanding na ang progreso ay hindi palaging kumikilos sa diretso, pataas na linya. Minsan ito ay bumabaliktad.

Pride Month ngayon. Somewhere out there makikita ng isang tao ang kanilang sarili kay Page at baka, umaasa siya, na makikita niya na posible ang sumulong. Better is possible.

Isang artikulo ni Adrienne Arsenault, CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita