1. Home
  2. Agham
  3. Wildfire

Paano poprotektahan ang sarili mula sa epekto ng wildfire smoke sa kalusugan

Iminungkahi ng mga eksperto na magplano, kahit naging clear na ang hangin

Isang lalaki na nagbibisikleta sa lungsod na nababalot sa usok.

Canadians asahan ang mas maraming tag-init na may mausok na kalangitan.

Litrato: CBC News

RCI

Habang tumitindi ang climate change at pinapatagal ang mainit at tuyong kondisyon para sumiklab ang wildfire, maaasahan ng Canadians ang mas maraming tag-init na may mausok na kalangitan.

Kaakibat ng usok ang seryosong potensyal na health consequences para sa lahat, kasama ang mga bata, matatanda at mga tao na may pre-existing health conditions.

Nakausap ng CBC News ang ilang eksperto sa kalusugan at klima na nagsasabi na sa pamamagitan ng wastong pagpaplano, ang mga panganib na iyon ay maaaring mabawasan.

Ngunit nangangailangan iyon ng aksyon bago, habang at kahit pagkatapos mawala ang usok. Ang pinakakaraniwang payo sa mga araw na may poor air quality ay ang manatili indoors kung posible, isara ang anumang potensyal na paraan na makakapasok ang usok sa iyong bahay.

Ang sinusubukan naming gawin ay hikayatin ang mga tao na maging maingat at manalagi sa loob na sarado ang mga bintana, na tumatakbo ang iyong ventilation kung maaari, payo ni Dr. Courtney Howard, isang emergency room physician sa Yellowknife, na nakausap ng CBC News mula Oxford, U.K.

Ugaliin din na itsek ang air quality forecast bago lumabas ng bahay dito. (bagong window)

Isang tsart.Palakihin ang larawan (bagong window)

Ang Air Quality Health Index data mula Hunyo 6 ng 2:31 p.m. ET.

Litrato: Gobyerno ng Canada

Panoorin kung paano naaapektuhan ng usok ang iyong kalusugan:

Naging orange din ang hangin at naging pula ang araw dahil sa wildfire:

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita