- Home
- Pandaigdig
- Biyahe
[Ulat] Pilipinas isa sa 13 bansa na isinama para sa visa-free travel sa Canada
Alamin ang mga detalye ng expansion ng electronic travel authorization o eTA program ng Canada
Sean Fraser, Minister ng Immigration, Refugees and Citizenship, gitna, Rechie Valdez, Member of Parliament para sa Mississauga, at Kevin Lamoureux, Member of Parliament para sa Winnipeg North, nag-anunsyo tungkol sa visa-free travel sa paliparan ng Winnipeg, Martes, Hunyo 6, 2023.
Litrato: The Canadian Press / John Woods
Inanunsyo ni federal Immigration Minister Sean Fraser ang 13 bansa na nadagdag sa electronic travel authorization o eTA program ng Canada ngayong Martes.
Ayon sa news release ng Immigration, Refugees and Citizenship Canada, ang mga biyahero mula sa 13 bansa na ito, kasama ang Pilipinas, na nagkaroon ng Canadian visa sa nakalipas na 10 taon o ‘di kaya ay kasalukuyang may non-immigrant visa mula sa Estados Unidos ay maaari nang mag-apply para sa
eTA.Ibig sabihin maaari na pumasok sa Canada ang mga kwalipikadong biyahero na hindi na kailangan mag-apply para sa temporary resident visa o mas kilala bilang visitor visa.
Ang
eTA ay isang digital travel document na kailangan ng mga dayuhan mula sa visa-exempt countries upang makapag-transit o makapagbiyahe sa Canada by air. Ito ay naka-link sa pasaporte at balido sa loob ng limang taon o hanggang mapaso ang pasaporte, anuman ang mauna rito. Karamihan sa mga aplikasyon ay awtomatikong naaaprubahan sa loob ng ilang minuto at nagkakahalaga lamang ng CAN$7.Bukod sa Pilipinas, ang Antigua and Barbuda, Argentina, Costa Rica, Morocco, Panama, St. Kitts and Nevis, St. Lucia, St. Vincent and the Grenadines, Seychelles, Thailand, Trinidad and Tobago at Uruguay ay kasama na ngayon sa visa-exempt countries.
Ang pagpapakilala sa visa-free air travel ay gagawing mas mabilis, mas madali at mas abot-kaya ang pagbisita sa Canada ng mga Pilipino para sa negosyo o paglilibang sa loob ng anim na buwan.
Ang exciting development ay nangangahulugan na mas maraming indibidwal mula sa buong mundo ang makakapag-embark na ngayon sa mga hindi malilimutang adventures, makakapag-explore ng aming iba’t ibang tanawin, makakasama muli ang pamilya at mga kaibigan, at ii-immerse ang kanilang mga sarili sa aming vibrant culture na walang hadlang ng visa requirements,
ani Minister Fraser.
Dagdag pa niya, ang pagpapalawak sa
eTA program ay palalaguin ang paglalakbay, turismo at ekonomikong mga benepisyo at patitibayin din ang ugnayan ng Canada sa nabanggit na 13 bansa.Ang expansion ng
eTA program ay epektibo na ngayong araw. Ang mga indibidwal na may hawak na valid visa ay maaari pa rin gamitin ito upang makapagbiyahe sa Canada.Ang Canada ay nakapag-isyu na ng 466,936 temporary resident visas sa mga mamamayan mula sa Pilipinas.