- Home
- Kapaligiran
- Car Industry
Canada iprinesenta sa Stellantis at LG ang alok ukol sa planta ng baterya
Inaasahan ng industry and innovation minister ng Canada ang sagot ng mga kompanya "shortly"

Sa loob ng higit tatlong linggo, huminto ang construction sa Stellantis/LG electric vehicle battery plant sa Windsor, Ont. Ito ay orihinal na nakatakdang magbukas sa taong 2024.
Litrato: Radio-Canada / Samantha Craggs
Nagbigay ng offer ang Canada sa Stellantis at LG Energy Solution ukol sa electric vehicle (EV) battery plant sa Windsor, Ont.
Sinabi ni Prime Minister Justin Trudeau na ang offer ay iginagalang ang mga nagbabayad ng buwis.
Mostly ito ay reasonable para makalikha ng magagandang trabaho para sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon sa mga komunidad sa buong katimugang bahagi ng Ontario at titiyakin na ang Canada ay ganap na nag-aambag sa isang net-zero na mundo na sasandalan nito,
aniya.
Sa isang email sa CBC News, kinumpirma ito ng tagapagsalita ng Stellantis na si LouAnn Gosselin, “Ang Stellantis at LGES ay nakatanggap ng isang written offer na kasalukuyang nasa ilalim ng pinansyal at legal na review.
Wala na kaming maidadagdag pa sa panahon na ito.
Sinabi ni François-Philippe Champagne, ang innovation at industry minister ng Canada, na ang offer ay tanda na isang mahalagang progreso ang naisagawa, ngunit hindi sinabi kung ito na ang final offer ng gobyerno.
Hindi smart para ako ay makipagnegosasyon sa harap ng publiko — ang mga bagay na ito ay komplikado,
aniya.
Sinabi ni Champagne na inaasahan niya ang sagot ng Stellantis at LG shortly,
at ang mga Canadian ay hindi dapat masorpresa sa alok.
Sinabi namin sa fall economic statement na papantayin natin ang playing field sa Estados Unidos pagdating sa IRA [Inflation Reduction Act]. Pero sa palagay ko ang Canadians, at ang mga unyon at mga tao ay maiintindihan na iyon ay generational opportunities.
Mahigit tatlong linggo na mula nang malaman natin na ang kinabukasan ng EV battery plant na itinatayo sa Windsor ay nanganganib. Noong panahon na iyon, ang Stellantis ay lumipat sa contingency plans,
at sinabi na ang pederal na gobyerno ay hindi pinaninindigan ang kasunduan. Iyon ang panahon kung saan hininto ng automaker ang karamihan ng construction sa site.
Ang financial package ng Canada sa isa pang automaker, ang Volkswagen, na planong magbukas ng isang malaking pabrika sa St. Thomas, Ont., ay pinaniniwalaang konektado sa hindi pagkakasundo, ayon sa mga eksperto sa industriya, gayundin ang bagong batas ng Estados Unidos na taglay ang unprecedented incentive offers para sa mga kompanya — isang bagay na mahihirapan ang Canada na tumbasan.
Kamakailan sinabi ni Premier Doug Ford na ang Ontario ay mag-aambag ng one-third ng cost para ma-secure ang deal, pero kung magkano eksakto ang iaambag ng probinsya ay hindi isasapubliko hanggang malagdaan ang kasunduan.
Inanunsyo ng South Korean battery maker LG Energy Solution at Stellantis ang $5 bilyon na proyekto noong isang taon, at sinabi na inaasahan nito na makakalikha ang bagong planta ng 2,500 na trabaho at magbubukas sa 2024.
Basahin ang buong istorya rito. (bagong window)
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.