- Home
- Politika
- Pederal na Politika
MPs tatanungin si special rapporteur David Johnston ukol sa foreign interference
Inirekomenda ng dating governor general na huwag magpatawag ng isang public inquiry sa pakikialam umano ng Beijing sa politika ng Canada

Special rapporteur David Johnston (archives)
Litrato: (Sean Kilpatrick/The Canadian Press)
Si David Johnston, na inatasan noong unang bahagi ng taon na imbestigahan ang panghihimasok ng mga dayuhan sa politika ng Canada, ay inaasahan na sasagutin ang mga katanungan ng MPs ngayong umaga tungkol sa kanyang ulat sa election meddling — at tungkol sa mga claim na siya ay hindi akma sa trabahong ito dahil sa kanyang koneksyon kay Prime Minister Justin Trudeau.
Si Johnston ay nakaiskedyul na magpakita sa loob ng tatlong oras sa standing committee ng procedure at House affairs simula 10 ng umaga
ET na ibobrodkast live ng CBC News.Ang dating governor general ay itinalaga bilang special rapporteur ni Trudeau noong Marso matapos ang serye ng mga balita ng Global News at ng The Globe and Mail na inakusahan ang gobyerno ng Tsina na nagsagawa ng ilang interference operations noong 2019 at 2021 federal elections.
Sa kanyang unang ulat, na inilabas noong nakaraang buwan, pinabulaanan ni Johnston ang ilan sa mga ulat na ito — kabilang ang isa na inakusahan si Liberal MP Han Dong na hinikayat ang isang Chinese diplomat noong Pebrero 2021 na pigilan ang pagpapalaya kina Michael Kovrig at Michael Spavor mula sa kustodiya ng Tsina, at ang iba pa ay sinabi na tumanggap ang ilang pederal na kandidato ng pera mula sa Tsina noong 2019 na pederal na halalan.
Basahin ang buong istorya rito (bagong window).
Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.