1. Home
  2. Lipunan
  3. Katutubo

Advocates dismayado sa kawalan ng aksyon matapos ang MMIWG inquiry

Napag-alaman ng 'Mother. Sister. Daughter.' project na mahigit kalahati sa 231 calls ang 'di pa nasisimulan

Close up na kuha ng isang Indigenous na babae.

Si Heidi Spence, ang direktor ng MMIWG liaison unit ng Manitoba Keewatinowi Okimakanak, ay sinabi na nais niyang makakita ng more urgency mula sa mga gobyerno at iba pa na tugunan ang pinal na ulat ng imbestigasyon at aksyunan ang mga panawagan.

Litrato: CBC News / Prabhjot Singh Lotey

RCI

Napag-alaman ng 'Mother. Sister. Daughter.' project ng CBC na mahigit kalahati sa 231 na panawagan ang hindi pa nasisimulan — at 2 lamang ang natapos na.

Sinabi ng mga advocate na sila ay dismayado na makita na napakaliit na progreso lamang ang nagawa apat na taon matapos ilabas ng National Inquiry into Missing and Murdered Indigenous Women and Girls (MMIWG) ang 231 na panawagan para sa hustisya.

Para kay Heidi Spence, direktor ng Missing and Murdered Indigenous Women and Girls liaison unit ng Manitoba Keewatinowi Okimakanak, ang katotohanan na napakarami sa mga panawagan na iyon ay hindi pa nasisimulan ay talagang hindi katanggap-tanggap.

Napailing na lang ako, ani Spence. May mahigit 100 pa sa mga ito ang hindi man lang natitingnan pa.

Ang "Mother. Sister. Daughter." project (bagong window) ng CBC na inilabas noong Lunes, ay sinundan ang progreso ng mga panawagan na iyon at napag-alaman na mahigit kalahati sa mga ito ang hindi pa nasimulan — at dalawa lamang ang nakumpleto na.

Sinabi ni Spence na nais niyang makakita ng more urgency mula sa mga gobyerno at iba pa na tugunan ang pinal na ulat ng inquiry upang aksyunan ang mga panawagan nito.

Basahin ang buong istorya rito (bagong window).

Isang artikulo ng CBC News na isinalin sa Tagalog ni Catherine Dona.

Mga Ulo ng Balita